Komparatibong pagpaplanong pangwika: Kaso ng Pilipinas at mga bansang sinakop ng España sa usapin ng edukasyon

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Document Type

Article

Source Title

Philippine Journal for Language Teaching

Volume

48

First Page

73

Last Page

86

Publication Date

12-2009

Abstract

Malaki ang maitutulong ng komparatibong pamamaraan sa pagsusuri sa pagpaplanong pangwikang ginagawa ng mga bansang dumaan sa matinding pananakop ng mga dayuhan. Sa usapin ng pagpaplanong pangwika sa Pilipinas, maari itong magbigay linaw at magpalalim sa kamalayan ng mga iskolar upang lalong maunawaan ang kalagayang pangwika ng bansa. Bukod sa bahaging ito ng pag-aaaral, ang pagkokompara sa karanasan at kaganapan sa pagpaplanong pangwika sa Pilipinas at sa ibang mga bansang sinakop ng Espana ay mas makapagbibigay ng malinaw na kalakaran at mga pamamalagay sa sikolohikal, sosyolohikal at antropolohikal na pagtingin sa mga kasalukuyang kalagayan o sitwasyong pangwika ng mga bansa. Isa sa napakahalagang institusyong kinapapalooban ng pagpaplanong pangwika at pagpapatupad sa mga patakarang umusbong mula dito ay ang usapin sa pagbuo ng sistemang pang-edukasyon. Ang institusyong ito ng estado ang malinaw na pagtutuunan ng papel na ito upang makita ang pangyayari sa pamomolitika ng/sa wika. Mahalagang masuri ang mga desisyon ng estado sa pagpili ng wikang panturo sa edukasyon. Ito ang malinaw na nagiging manipestasyon ng pagsasaisantabi ng mga rehiyonal at bernakular na mga wika laban sa isang wikang pinapaboran ng estado. Sa bahaging ito makikita kung paano nakikipaglaban ang mga bernakular na wika sa isang makapangyarihang dayuhang wika na dala ng mga mananakop. Ang ganitong senaryo ay hindi lamang naganap sa Pilipinas kundi sa iba pang mga bansang sinakop ng Espana. Nilalayon ng papel na ito na maipakita ang mga pagkakatulad at mga pagkakaiba sa karanasan ng Pilipinas at ilang mga bansang sinakop ng Espana sa kanilang mga patakarang pangwika sa edukasyon. Lilinawin din ng papel ang ilang isyung panlipunan na nagiging dahilan ng tunggaliang pangwika ng mga bansa. Susuriin ng papel na ito ang papel ng edukasyon sa tunay na pagkamit ng literasi ng mga bansang ikinukumpara. Lilinawin dito ang politika ng/sa wika bilang wika ng literasi para sa pagbuo ng kaisipang nasyon.

html

Disciplines

Language and Literacy Education | South and Southeast Asian Languages and Societies

Keywords

Language planning—Philippines; Language planning; Language and education

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS