Kamalayan sa kamatayan ng mga tagalog: Pananaw mula sa kasaysayan

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

History

Document Type

Article

Source Title

The Scholastican Review

Volume

2

Issue

3

First Page

66

Last Page

75

Publication Date

3-2009

Abstract

Ang papel pananaliksik na ito ay survey at pagsusuri sa pagbabago ng kamalayan, kapaniwalaan at mga tradisyong Tagalog kaugnay ng huling yugto ng buhay tungo sa kamatayan. Magkakaugnay ang mga ritwal sa pagpapagaling ng may karamdaman, paghahanda ng kaluluwa ng mamamatay, paghahatid sa huling hantungan/paglilibing at pagtungo sa kabilang buhay sapagkat nakakabit ito sa kabuuang pagpapakahulugan sa pag-iral ng tao. Magsisilbing halimbawa sa pagtalakay sa kasalukuyang papel ang kamalayan sa likod ng ritwal sa paghahanda ng kaluluwa ng taong nasa bingit ng kamatayan na dating isinasagawa ng mga babaylan/katalonan ngunit paglaon ay nagbagong-anyo/iniangkop tulad ng "marangal at magandang kamatayan" at maging ang mga nakapasok na paniniwala tulad ng huling paghuhukom at kaligtasan ng kaluluwa bukod sa iba pa. Sa kaso ng mga Tagalog, bunsod ng karanasang historikal, nagbagu-bago at nag-iba iba ang mga paniniwalang ito. Ang kalakhan ng pagkakaiba at pagbabago ay may relihiyosong dimensiyon tulad ng lumilitaw sa paghahambing sa dating sistema ng kapaniwalaan at sa pagpasok ng Kristiyanismo bagamat may mapapansing pagtatagpo at pag-aangkop. Bilang batayan ng kasalukuyang pag-aaral, makabuluhan ang pagtatala sa marami pang buhay na mga ritwal at tradisyon gayundin ang mga dokumentasyon ng mga ng mga material na patunay sa paniniwala tulad ng makikita sa mga larawan, pinta, ukit,s emeteryo bukod sa iba pa. May mga dokumentog historikal din at mga nakalimbag na batis tulad ng aklat-dasalan, akda para sa katesismo at akdang pampanitikan na malaki ang tulong bilang hanguan ng impormasyon para sa pagsubaybay sa pagbabago at pagpapatuloy ng mayamang kapaniwalaan sa transisyon mula buhay tungong kamatayan. Sa pamamagitan ng pagusuring tekstuwal ng mga pinagmumulan ng impormasyon na nabanggit sa itaas at pag-uugnay nito sa mga etnohistorikal na tala, inaasahang masusulyapan ang isang dimensiyon ng pag-unawa at pagpapakahulogan ng mga Tagalog sa buhay at pag-iral.

html

Disciplines

Asian History

Keywords

Death—Social aspects—Philippines—History; Tagalog (Philippine people)—Social life and customs; Funeral rites and ceremonies—Philippines

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS