Buyo, buyong at bae: Ang pagnganganga sa mga epikong Filipino
Added Title
Buyo, buyung and bae: Betel chewing in Philippine epics
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
History
Document Type
Article
Source Title
Malay
Volume
23
Issue
2
First Page
137
Last Page
158
Publication Date
4-2011
Abstract
Gamit ang mga epikong Aliguyon ng mga Ifugao, Lam-ang ng mga Ilokano, Humadapnon ng mga Sulod ng Gitnang Panay, Sandayo ng mga Subanon, Kudaman ng mga Palawan, at Agyu ng mga Manobo, uunawain sa papel na ito ang kultura ng pagnganganga sa iba’t ibang grupong etnolingguwistiko sa Filipinas. Anuman ang kaganapan—pakikidigma, panliligaw, panggagamot, pakikipag-ugnay sa mga yumao o pakikipagkasundo sa kaaway—hindi nawawala sa mga epiko ang nakakatawag-pansing paglalarawan sa pagnganganga. Kakabit din ito ng kuwento ng husay sa pakikidigma ng mga buyung (bayani) at ng kagandahan ng kabinukutan at bae (magagandang dalaga). Para sa papel na ito, apat na magkakaugnay na tema ng pagnganganga sa epiko ang sinalungguhitan dito: una, ang “mahiwagang” katangian ng mga sangkap ng nganga; ikalawa, ang papel ng pagnganganga sa buhay at gawain ng isang mandirigma; ikatlo, ang ginagampanan ng mga kababaihan sa paghahanda ng nganga; at huli, ang mga sinusunod na panuntunan sa pagnganganga.
html
Recommended Citation
Ubaldo, L. C. (2011). Buyo, buyong at bae: Ang pagnganganga sa mga epikong Filipino. Malay, 23 (2), 137-158. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/12638
Disciplines
Folklore
Keywords
Epic poetry, Philippine; Folklore—Philippines; Philippine literature; Betel chewing—Philippines
Upload File
wf_no