Historiko-kultural na pagsusuri sa pagbabawal ng insesto=Historico-cultural analysis of incest taboo

Added Title

Historico-cultural analysis of incest taboo

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

History

Document Type

Article

Source Title

Malay

Volume

26

Issue

1

First Page

83

Last Page

95

Publication Date

9-2013

Abstract

Batay sa pamantayang moral ng maraming modernong lipunan, itinuturing na mahalay at hindi katanggap-tanggap ang ugnayang seksuwal ng dalawang magkadugo at/o magkamag-anak. May mabigat na parusa ang sinumang haharap sa ganitong krimen dahil mariin itong kinokondena, Bagama't may mga pagkakataong "pinahihintulutan" ang ugnayang insestoso, maibibilang lamang ang mga ito sa kuwentong mitolohikal. Para sa iba't ibang grupong etnolingguwistiko sa Pilipinas, iba't iba ang pananaw sa kung ano-anong relasyon ang itinuturing na insesto o hindi. Batay ito sa mga kategorya ng kamag-anakan subali't kalimitang ipinagbabawal ang relasyong seksuwal ng anak sa magulang at ng magkakapatid. May baryasyon din ang kanilang paraan ng pagpaparusa mula sa pagpapataw ng kamatayan sa pamamagitan ng paglunod o pagsasagawa ng panrelihiyong ritwal. Para maiwasan ang relasyong insestoso, nagkakaisa ang maraming pamayanan na kinakailangang hikayatin ang pag-aasawa ng mula sa ibang pamayanan at ng hindi kadugo. Upang maunawaan ang pagkakaiba-iba ng mga kaugalian at paniniwala, isinusulong ng papel na ito ang halaga ng pagtutuon ng pansin sa historiko-kultural na konteksto ng pagbabawal sa relasyong insestoso sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga talang pangkasaysayan at etnograpiko kasama na ang iba't ibang anyo ng panitikan.

html

Disciplines

Cultural History

Keywords

Incest; Taboo; Families; Sexual ethics

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS