Balidasyon ng manwal sa Filipino 2: Pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina

Document Type

Dissertation

Publication Date

2003

Abstract

Paglalagom: Ang ginawang pag-aaralay nakatuon sa Balidasyon ng Manwal Sa Filipino 2: Pagbasa at Pagsusulat sa iba't ibang Disiplina.
Tunay na mahalaga ang pagsubok upang malaman ang kinalabasan ng pagtuturo ng guro. Ang resulta ay nagbibigay din ng kalinawagan, kahinaan, pagkamabisa a kahusayan di lamang sa pagtuturo ng guro kasama rinang paggamit ng metodo sa patuturo kaugnay sa ginamit na manwal.
Ang pretest at post test ay binigyag-diin ng pananaliksik na ito batay s manwal na ginamit ng guro. Io ay gumamit ng deskriptibo na pamamaraan na inilarawan ng mga proseso sa pananaliksik.
Mayroong limang (5) eksperto na nagmula sa iba't ibang pamantasan at kolehiyo at labing-anim na guro sa EARIST ang nag-ebalweyt sa kasaklawan at kagalingan ng manwal. Dalawandaan apatnapu't dalawang (242) mag-aaral ang kalahok para sa pretest at post test na nagmula sa apat na kolehiyo.
Nilayon ng pag-aaral na ito na matugunan ang mga sumusunod na suliranin at ang mga konalabasa ng pananaliksik:
1. Hanggang saanang nagging lawak o saklaw na isasagawa ng mga sangkap ng manwal sa mga su musunod na pamantayan tulad sa:
1.1 Nilalaman;
1.2 Organisasyon;
1.3 Paggamit;
1.4 Mekaniks;
1.5 Kaangkupan; at
1.6 Pisikal na aspeto
Batay sa kabuuang paglalahad na inebalweyt ng mga eksperto at guro ukol sa kasaklawan at kagalingan ng manwal sa mga sumusunod na pamantayan sa:
1.1 Nilalaman - Sinang-ayunan ng dalawang pangkat sa pag-eebalweyt ng manwal ayon sa nilalaman ay nagtamo ng kabuuang weighted mean na 4.12 na nangangahulugang may kagalingan sa takdang panahon upang matugunan ang kaalaman ng mga mag-aaral.
1.2 Organisasyon - Sa kabuuang pagsusuri sa pag-ebalweyt ng mga eksperto at guro sa manwal ayon sa organisasyon ay may kabuuang weighted mean na 3.98 na nangangahulugang may kagalingan ang organisasyon ng manwal.
1.3 Paggamit - Malinaw ang pagkakasaad ng paggamit ng manwal kaya't ito ay nagtamo ng kabuuang weighted mean na 4.21 na nangangahulugang may kagalingan ang paggamit upang masagot ang mga pagsasanay at Gawain at makapag-isip ng kritikal ang mga mag-aaral.
1.4 Mekaniks - Sa kabuuang pagsusuri sa mekaniks, ito ay nagtamo ng kabuuang weighted mean na 4.04 na nangangahulugang may kagalingan ang isinagawan manwal para sa mga mag-aaral at guro.
1.5 Kaangkupan - Angkop sa mga mag-aaral ang ginamit na salita upang lubusang maunawaan. Simple at payak ang mga ito na angkop sa lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral, kaya't ito ay nagtamo ng kabuuang weighted mean na 4.19 na nangangahulugang may kagalingan ang kaangkupang ginamit sa manwal.
1.6 Pisikal na Aspeto - Batay sa kinalabasan ng pag-ebalweyt ng mga eksperto at guro sa pisikal na aspeto ng manwal, nagtamo ng kabuuang weighted mean ng 4.08 na nangangahulugang may kagalingan ito. Nagpapatunay lamang na angkop ang pisikal na aspeto ng manwal sa mga mag-aaral at guro sa Filipino 2.
2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa asesment ang mga guro at eksperto?
Sa ginamit na t-test sa pag-ebalweyt ng mga esksperto at guro, lumabas na walang makabuluhang pagkakaiba ang ginawang pag-ebalweyt ng mga eksperto at guro.
Sa paghahambing ng mga eksperto at guro sa pag-ebalweyt sa manwal sa Filipino 2, ito ay nagtamo ng computed t-value na 0.203 na tumatayo sa region of acceptance sa dahilang ang critical o dili kaya'y ang tabular value na 2.228 ay mas malaki na mayroong bilang sampung antas ng freedom sa .05 level of significance, kaya't ang null hipotesis ay tinanggap.
3. Anu-ano ng mga mungkahing inihain ng mga responde hinggil sa ikahuhusay ng manwal.
Sinang-ayunan ng mga eksperto at guro na matutunghayan sa pahina 86-87 ang mga mungkahi para sa ikahuhusay ng manwal sa bawat sangkap nito: nilalaman, organisasyon, paggamit, mekaniks, kaangkupan at pisikal na aspeto.
Samantala sa kabuuang mungkahing-gawain para sa madebelop ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat.
4. Ano ang performance level ng mga mag-aaral sa kanilang pretest at post test? Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa performance ng mga mag-aaral sa pretest at post test?
Sa kabuuang pagsusuri sa pagsusulit sa pretest na ibinigay sa mga mag-aaral, ito ay nagtamo ng mean na 69.87 na nangangahulugang mahina ang dating ng dating kaalaman ng mga magaaral, samantala pagkatapos ang pag-aaral sa nilalaman ng manwal, ang mga mag-aaral ay kumuha ng posttest at ito ay nagtamo ng mean na 85.38 na nangangahulugang may kagalingan ang paggamit ng manwal para sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ginamitan ng t-test para sa makabuluhang pagkakaiba. Nagtamo ng computed t na 1.725 na tumatayo sa region of acceptance sa dahilang ang critical o dili kaya'y ang tabular value na 1.960 ay mas malaki na mayroong dalawandaan at apatnapung (240) antas ng freedom sa .05 level of significance, kaya't ang hipotesis ay tinanggap na nagsasabing walang makabuluhang pagkakaiba sa pretest at posttest
Konklusyon
Batay sa pagsusuring inilahad, nabuo nitong mananaliksik ang sumusunod na mga konklusyon:
1. May kagalingan ang inihandang manwal sa Filipino 2: Pagabasa at Pagsusulat sa iba't ibang Disiplina sa lebel ng mga mag-aaral at angkop sa kakayahan at pag-unawa sa iba't ibang kurso sa EARIST.
2. Walang kabuluhang pagkakaiba sa asesment ng mga eksperto at guro sa kasaklawan at kagalingan ng manwal.
3. Higit na makabuluhan ang pag-aaral na may maraming pagsasanay at mungkahing-gawain para mabigyan ng malawakang pagsasanay ang mga mag-aaral upang lalong mapanatili sa kanilang mga isipan ang mga kaalamang nililinlang.
4. Ang kabuuang antas ng mga mag-aaral sa pagsusulit ay katamtaman lamang o average.
5. Ang mga patakaran at panukala ay nagsasaad ng pagsasaalang-alang na susukatin lamang ng pagsusulit ang mga naituro at gawin itong balido at akma sa mga prinsipyo sa paggawas ng pagsusulit. Dapat din bigyang-diin ang magdisenyo at pagbabalangkas ng iba't ibang klaseng tanong na payak at maloinaw ang mga panuto.
6. Tinanggap ang null na hipotesis na walang makabuluhang pagkakaiba sa performance level ng mga mag-aaral sa pretest at post test.
Rekomendasyon
Batay sa kinalabasan at konklusyon ng pag-aaral na ito, itinatagubilin na isagawa ang mga sumusunod na mungkahi:
1. Magiging mahusay ang pag-aaral sa Filipino 2 kung ang lahat ng mga kolehyo ay iisa lamang ang silabus na gagamitin upang ang lahat ay kasangkot sa pag-aaral.
2. Dapat bigyang-diin ng mga guro ang pagtututo sa Filipino 2, ito ay matatamo lamang kung malalaman niya ang kakayahan at kahinaan ng kaniyang mga mag-aaral. Sa ganitong paraan, dapat ay gumawa at magbigay siya ng mga raling kasiya-siya at hinahamon ang kakayahan ng mga mag-aaral batay sa disiplinang kanilang pinag-aaralan ito man ay marunong, katamtaman o mahina.
3. Ang manwal na ito ay iminungkahi ng mananaliksik sa baguhin ng mga guro o ng sinumang gagamit nito ayon sa kalagayan ng panahon. Ang manwal na ito ay huwaran lamang.
4. Kailangan ng guro na gumawa ng pagsusulit na susukating tiyak ang dapat malaman ng mga mag-aaral batay sa panuntunang pangangailangan. Nakatitiyak na ang pagka-embalido at pagkamapanghahawakan ang gagawing pagsusulit, kung sila ay mag-aaral muli at magsagawa ng pagsasanay sa pamamagitan ng seminar/workshop sa paggawa ng pagsusulit.
5. Akiting maghanda ng sariling kagamitang panturo ang mga guro sa mga asignaturang walang sapat na magagamit.
6. Paunlarin ang palatuntunang Filipio sa pamamagitan ng:
c. Paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo na may kinalaman sa pag-aaral sa Filipino.
d. Pagdalo at pagdaraos ng mga guro ng regular na salingkurang pagsasanay sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo upang mapaunlad ang kanilang mga kakayahan sa makabuluhang pagtuturo sa Filipino.

Dahil sa limitasyon ng pag-aaral na ito, iminumungkahi rin ng mananaliksik ang pagkakaroon ng karagdagang pagsasaliksik o pag-aaral tulad sa nilalaman sa kasalukuyan sa ibang aspeto ng pag-aaral ng Filipino.

html

Disciplines

South and Southeast Asian Languages and Societies

Keywords

Filipino language—Study and teaching

Upload File

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS