Date of Publication

3-2026

Document Type

Dissertation/Thesis

Degree Name

Master of Arts in Applied Theology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Theology and Religious Education

Thesis Advisor

Sr. Auria U. Arabit, SdP, Phd 

Defense Panel Chair

Dr. Dorothy Javier-Martinez 

Defense Panel Member

Dr. Teresa M. Camarines 

Dr. Dalamacito Cordero Jr.

Abstract (English)

Service-Learning is a pedagogical approach that integrates academic learning into real-world service experiences. It emphasizes experiential learning through student involvement in community service projects that integrate theoretical knowledge from the classroom into real-world scenarios. It has gained widespread adoption as a pedagogical approach in Asia’s educational and community sectors.  In the Philippines, it was formally introduced in 1999 through a training workshop for selected universities. While numerous studies have demonstrated the positive impact of SL on institutions and students, there remains a significant gap in studies examining its impact on partner communities, particularly from a theological perspective. This study aims to explore the concept of ginhawa as understood by the partner communities and the perceived impact of SL programs through the lens of Dr. Jose De Mesa’s theology of ginhawa on partner communities. It also analyzed how SL serves as a facilitating and co-responsible space in which partner communities extend ginhawa to others. Utilizing a qualitative research design, this study gathered data through semi-structured interviews with participants. The study reveals that partner communities experienced empowerment through SL by recognizing their self-worth, receiving compassion, gaining values and skills, being motivated to take action, and developing a desire to pass on ginhawa, creating a cycle of ginhawa where those who are cared for and empowered are inspired to share well-being with others. The findings contribute to theological discourse in the Philippine context, particularly concerning SL, which is widely recognized as a pedagogical model in education.

Keywords: contextual theology, empowerment, ginhawa, service-learning, partner communities, well-being

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Ang Service-Learning (SL) ay isang pamamaraang pedagohikal na nagsasama ng akademikong pagkatuto sa mga karanasan ng paglilingkod sa tunay na buhay. Binibigyang-diin nito ang karanasang pagkatuto sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga proyektong pangkomunidad, kung saan naiuugnay ang teoretikal na kaalaman mula sa silid-aralan sa mga aktuwal na sitwasyon. Ito ay malawak nang tinatanggap bilang isang pamamaraang pedagohikal sa sektor ng edukasyon at komunidad sa Asya. Sa Pilipinas, pormal itong ipinakilala noong 1999 sa pamamagitan ng isang pagsasanay para sa mga piling pamantasan.

Bagama’t maraming pag-aaral ang nagpapakita ng positibong epekto ng SL sa mga institusyon at mag-aaral, nananatili ang malaking kakulangan sa mga pag-aaral na tumitingin sa epekto nito sa mga kasaping komunidad, lalo na mula sa perspektibong teolohikal. Layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang konsepto ng ginhawa ayon sa pagkaunawa ng mga kasaping komunidad, at ang kanilang pananaw sa epekto ng mga programang SL gamit ang lente ng teolohiya ng ginhawa ni Dr. Jose De Mesa. Sinuri rin nito kung paano nagsisilbing espasyo ang SL bilang tagapagpadaloy at kapwa may pananagutan (co-responsible space), kung saan naipapasa ng mga kasaping komunidad ang ginhawa sa iba.

Gamit ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik, nangalap ng datos ang pag-aaral sa pamamagitan ng semi-istrakturang panayam sa mga kalahok. Ipinapakita ng pag-aaral na naranasan ng mga mga kasaping komunidad ang empowerment sa pamamagitan ng SL sa pagkilala sa kanilang sariling halaga, pagtanggap ng malasakit, pagkatuto ng mga pagpapahalaga at kasanayan, pagkakaroon ng motibasyon na kumilos, at paglinang ng hangaring ipasa ang ginhawa sa iba. Nagbubunga ito ng isang siklo ng ginhawa kung saan ang mga nakaranas ng ginhawa at pagpapalakas ay nahihikayat ding magbahagi ng kaginhawaan sa kapwa.

Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay nakatutulong sa diskursong teolohikal sa konteksto ng Pilipinas, partikular sa Service-Learning na kinikilala bilang isang mahalagang modelong pedagohikal sa edukasyon.

Abstract Format

html

Language

English

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

3-23-2026

Share

COinS