Date of Publication

2026

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Science in Psychology Major in Clinical Psychology

Subject Categories

Clinical Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Thesis Advisor

Melissa R. Garabiles

Defense Panel Chair

Madelene A. Sta. Maria

Defense Panel Member

Karmia A. Pakingan
Evangeline Katigbak Montoya

Abstract (English)

Filipino live-in migrant caregivers in Israel are found to experience burnout and depression across prior studies. Anchoring in Hobfoll's (1988) Conservation of Resources (CoR) theory, this leads to a downward spiral. To protect their mental health, caregivers invest in family cohesion as a resource. However, there is a lack of research about this association. Using mixed methods analysis, this study examines whether burnout positively predicts depression and whether family cohesion moderates this relationship. Further, this study aims to reveal insights into why family cohesion acts as a moderator between burnout and depression. Quantitative data were collected from 121 Filipino live-in migrant caregivers in Israel and analyzed using Jamovi. For the qualitative phase, 6 participants who scored high on family cohesion were interviewed, and data were analyzed using Braun and Clarke’s thematic analysis process. Results confirmed the hypotheses that Filipino live-in migrant caregivers in Israel who experience high levels of burnout were at risk for developing depression. Family cohesion buffered the relationship between burnout and depression. The interviews show that these caregivers experience challenges working in Israel, such as providing care work during missile attacks, daily care work strain, and family struggles while apart. These contribute to their experience of burnout. Further, it reveals how they foster family cohesion among left-behind families by maintaining bonds virtually and practicing distance parenting. Findings offer valuable insights into how family cohesion protects these live-in migrant caregivers from the negative effects of burnout on their mental health, supporting Hobfoll’s CoR. Implications for future studies and practice are discussed.

Keywords: burnout, depression, family cohesion, migrant, mental health, caregiver, OFW

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Ang mga Pilipinong migranteng tagapag-alaga na nakatira sa kanilang inaalagaan sa Israel ay natuklasang nakararanas ng matinding pagkapagod at depresyon sa mga naunang pag-aaral. Batay sa teorya ng Conservation of Resources (CoR) ni Hobfoll (1988), humahantong ito sa mabilis na paglala ng kanilang kalagayan. Upang maprotektahan ang kanilang kalusugang pangkaisipan, namumuhunan ang mga tagapag-alaga sa pagkakabuklod nila sa kanilang pamilya bilang isang pinagkukunang-yaman. Subalit kulang ang pananaliksik tungkol sa ugnayang ito. Gamit ang mixed methods na pagsusuri, ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy kung positibong nakaaapekto ang matinding pagkapagod sa pagkakaroon ng depresyon at kung mino-moderate ng pagkakabuklod ng pamilya ang relasyong ito. Bukod dito, layunin ng pag-aaral na ito na magbigay ng pananaw kung bakit ang pagkakabuklod sa pamilya ay nagsisilbing moderator sa pagitan ng matinding pagkapagod at depresyon. Ang mga kwantitatibong datos ay nakuha mula sa 121 na Pilipinong migranteng tagapag-alaga na nakatira sa kanilang inaalagaan sa Israel at ito ay sinuri gamit ang Jamovi. Para naman sa kwalitatibong datos, ang anim na kalahok na mataas ang marka sa kanilang pagkakabuklod sa pamilya ay kinapanayam at ang kanilang mga datos ay sinuri gamit ang tematikong proseso ni Braun at Clarke. Nakumpirma ng mga resulta ang hinuha na ang mga Pilipinong migranteng tagapag-alaga na nakatira sa kanilang inaalagaan sa Israel ay nakararanas ng mataas na antas ng matinding pagkapagod at posibleng magkaroon ng depresyon. Pinagaan ng pagkakabuklod ng pamilya ang ugnayan sa pagitan ng matinding pagkapagod at depresyon. Ipinakita ng mga panayam na ang mga tagapag-alaga ay nakararanas ng mga pagsubok sa pagtatrabaho sa Israel, katulad ng pag-aalaga habang may nagaganap na pag-atake ng missile, pagkapagod mula sa araw-araw na pag-aalaga, at mga pagsubok sa kanilang pamilya habang malayo sa isa’t isa. Ang mga ito ay nagdudulot ng matinding pagkapagod na kanilang nararanasan. Bukod dito, nalaman na pinagtitibay nila ang pagkakabuklod nila sa kanilang naiwang pamilya sa pamamagitan ng birtwal na pagpapanatili ng kanilang ugnayan at pagpapalaki ng anak sa kabila ng kalayuan nila sa isa’t isa. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nagbibigay ng makabuluhang kontribusyon sa pag-unawa kung paano napoprotektahan ng pagkakabuklod ng pamilya ang mga migranteng tagapag-alaga na nakatira sa kanilang inaalagaan mula sa negatibong epekto ng matinding pagkapagod sa kalusugang pangkaisipan, na sinusuportahan ng CoR ni Hobfoll. Tinalakay sa pag-aaral na ito ang mga implikasyon nito para sa mga susunod na pag-aaral at sa aktuwal na aplikasyon.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Keywords

Burn out (Psychology); Depression, Mental; Migrant labor--Israel; Mental health; Caregivers

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

8-24-2029

Available for download on Friday, August 24, 2029

Share

COinS