Date of Publication
8-12-2024
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in Philosophy
Subject Categories
Philosophy
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Philosophy
Thesis Advisor
Maxell Lowell C. Aranilla
Defense Panel Chair
Napoleon M. Mabaquiao, Jr.
Defense Panel Member
Beverly A. Sarza
Jerry Imbong
Abstract/Summary
Ang tula ay sidsilan ng damdamin, saloobin, kaisipan, at paniniwala o pagpapakahulugan sa mundo, at nilalarawan nito ang anyo ng buhay mayroon isang tao kung kaya’t maaaring bumukal ang Pilosopiya mula rito. Tulad ng hinuha ng Etnopilosopiya at nina Rolando M. Gripaldo at Florentino Timbreza sa kanilang pagtalakay sa Pilosopiyang Pilipino na sa tula, bilang isang uri ng kultura, maaaring bumukal ang Pilosopiya. Sa pag-aaral na ito, sa paghahalaw ng pilosopiyang Hanunuo-Mangyan mula sa Ambahan, lumitaw ang epistemolohiya, metapisika at pilosopiya ng buhay ng Hanunuo-Mangyan. Sa pamamagitan ng hermenyutika ni Hans-George Gadamer nagkaroon nang maingat at magalang na paghahalaw ng Pilosopiyang Mangyan mula sa Ambahan. Dito, bumukal ang mga makaHanunuo-Mangyang pananaw na ang karunungan o kaalaman ay pagbabahagi at pakikinig; ang tao ay bahagi ng isang malaking katotohanan; at ang buhay ay mayad at urog. Ito ay mga katibayan na ang mga Hanunuo-Mangyan ay mayroong mayamang kaisipan –katutubong Pilosopiya at hindi sila Mangmang. Hindi mangmang ang mga Mangyan. Umiiral ang katutubong pilosopiya sa Pilipinas. Ito ay dapat tuklasin, pabukalin at pagyamanin.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Philosophy, Philippine; Mangyan (Philippine people)00Philosophy; Hanunóo (Philippine people)--Philosophy; Metaphysics
Recommended Citation
De Guzman, E. V. (2024). Ang pilosopiyang mangyan: Isang pagdalumat sa ambahan bilang bukal ng pilosopiyang Hanunuo-Mangyan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_philo/8
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
8-5-2024