Date of Publication

11-2025

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Arts in Language and Literature Major in Literature

Subject Categories

Fiction

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature, Department of

Thesis Advisor

Genevieve L. Asenjo

Defense Panel Member

Chuckberry J. Pascual
Yvette Natalie Tan

Abstract (English)

The study examines how transnational flows disrupt and contaminate national and local borders, generating anxieties due to the instability that accompanies change. This phenomenon prompts a new gothic framework that decenters Western narratives and interpretations: globalgothic. The study utilizes globalgothic developed by Glennis Byron, Fred Botting, and Justin D. Edwards as its main framework, along with gothic as a critical lens to understand socio-historical anxieties. It close reads Eliza Victoria’s four novels—Project 17 (2013), After Lambana: Myth and Magic in Manila (2022, Mervin Malonzo, illustrator), Wounded Little Gods (2022), and Dwellers (2022)—and operationalizes globalgothic’s core attributes, such as hauntedness, vilification of globalization’s processes, and exploitation of what globalization enables and generates. It also draws on personal and national hauntedness, as well as links with foreign narratives and characters, to develop a broader perspective on how power structures regulate and commodify the body.

The close reading reveals that Victoria’s fiction is a literature of the body as a locus of power, control, and resistance. The misshapen perceptions of the consequences caused by the collapse of old and familiar structures and boundaries manifest through the characters’ hauntedness, emerging as a symbolic condition. The study also explores and expands on the family as an overarching motif and themes of deterritorialization, disease, and atonement. Beyond close reading, the study contributes to discourses on globalgothic and Philippine gothic through its incorporation of Genevieve L. Asenjo’s archipelagothic perspective through the Visayan hacienda stories, as a method for reimagining the spectral and enduring tropes in contemporary Philippine fiction.

Keywords: globalgothic, hauntedness, Eliza Victoria, archipelagothic

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Sinusuri ng pag-aaral kung paanong ginugulo at kinokontamina ng mga transnasyonal na daloy ang mga hangganang pambansa at lokal, at kung paano ito lumilikha ng mga pangambang dulot ng kawalang-tiyakang kaakibat ng pagbabago. Nagbubunsod ang penomenong ito ng bagong gotikong balangkas na lumilihis sa mga Kanluraning naratibo at interpretasyon: ang globalgothic. Ginagamit ng pag-aaral ang konseptong globalgothicnina Glennis Byron, Fred Botting, at Justin D. Edwards bilang pangunahing balangkas, kasama ang gotiko bilang kritikal na lente upang maunawaan ang mga kabalisaang sosyo-historikal.

Malalimang binasa ang apat na nobela ni Eliza Victoria—Project 17 (2013), After Lambana: Myth and Magic in Manila (2022, Mervin Malonzo, ilustrador), Wounded Little Gods (2022), at Dwellers (2022)—para sa pag-aaral na ito at isinaoperasyonal ang mga ubod na katangian ng globalgothic gaya ng pagmumulto ng nakaraan o hauntedness, paninirang-puri sa mga proseso ng globalisasyon, at pagsasamantala sa mga nagagawa at nalilikha ng globalisasyon. Humuhugot ito sa mga personal at pambansang pagmumulto ng nakaraan, gayundin sa mga ugnayang namamagitan sa mga naratibo at tauhan tungo sa pagbubuo ng higit na malawak na perspektiba kung paano kinokontrol at ginagawang kalakal ng mga makapangyarihang estruktura ang katawan.

Lumitaw mula sa malalimang pagbasa ang paglalarawan sa katawan sa mga akda ni Victoria bilang lunan ng kapangyarihan, kontrol, at pagtutol. Naging baluktot ang mga pang-unawang ito sa mga naging bunga ng pangyayari dahil sa pagbagsak ng mga dati na at nakasanayang mga estruktura at hangganan na nakita mula sa mga mga tauhang kinabanaagan ng kanilang sariling multo ng nakalipas na lumilitaw naman bilang isang simbolikong kondisyon. Ginalugad rin at pinalawak ng pag-aaral ang talakay sa pamilya bilang isang masaklaw na paksa, gayundin ang mga tema ng pagkahugot ng sariling ugat sa isang lugar, karamdaman, at pagtubos sa kasalanan.

Higit pa sa malalimang pagbabasa, nag-aambag din ang pag-aaral sa mga diskurso hinggil sa globalgothic at gotiko sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglangkap nito sa perspektibang archipelagothic ni Genevieve L. Asenjo sa pamamagitan ng mga kuwentong Bisaya mula sa hacienda. Naging metodo ito para sa muling pagharaya sa tila-multo at sa mga hindi lumilipas na tema sa kontemporaneong kathang Pilipino.

Mga susing salita: globalgothic, pagmumulto ng nakaraan o hauntedness, Eliza Victoria, archipelagothic

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Keywords

Globalization in literature; Fiction; Eliza Victoria, 1986-

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-8-2026

Available for download on Tuesday, December 08, 2026

Share

COinS