Date of Publication

3-26-2024

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Fine Arts in Creative Writing

Subject Categories

Creative Writing

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature, Department of

Thesis Advisor

John Iremil E. Teodoro

Defense Panel Chair

Mark Adrian Crisostomo Ho

Defense Panel Member

Anne Richie G. Balgos
Glenn Sevilla Mas

Abstract/Summary

Ang proyektong ito ay binubuo ng limang isang-yugtong dulamhati (dula + dalamhati), mga dulang hango sa testimonya ng mga nakaigpaw sa trahedya, at kumikilatis sa pakikihati ng mandudula sa kanilang dinadalang sugat-diwa (trauma) bilang tagapagtala ng kanilang danas.

Gamit ang metodolohiyang durcharbeiten o working-through ni Sigmund Freud na ipinaliwanag ni Dominick LaCapra bilang pagbabalik-tanaw o pagkumpronta sa sugat-diwa, isinalin ang mga ibinahaging karanasan sa porma ng drama upang makaalalay sa pag-unawa at kalauna’y paghilom mula sa dinanas na trahedya. Batay sa kategorisasyon ni Catherine Gilbert, pinoposisyon nito ang mandudula bilang sekondarya o di-tuwirang saksi ng sugat-diwa na may aktibong gampanin sa konstruksyon ng naratibo na makatutulong sa pagkamit ng survivor ng sense of agency. Sa prosesong ito ay magsisilbing gabay ang konseptong empathic unsettlement ni LaCapra na isang mapanagutan at etikal na pamamaraan ng pagsaksi.

Bahagi ng koleksyon ang mga sumusunod: (1) “Walang Bago sa Dulang Ito” na nagsasalaysay sa dinanas na rape at sexual assault ng isang siyentistang guro, (2) “Sunod sa Bilang” na nakatuon sa digmaang sikolohikal na pinagdaanan ng nabilanggong adik, (3) “Ang Sanggol sa Backpack” na nagtatanghal sa tinamong sugat-diwa ng isang journalist matapos ang pagko-cover sa super typhoon, (4) “Nihil timendum est” na tungkol sa trahedyang dulot ng fraternity hazing sa naulilang pamilya ng biktima, at (5) “Ang Bonggang Lipunan” na naglalahad sa pagtortyur sa mga bilanggong pulitikal noong umiiral ang Batas Militar. Bawat isa sa limang dulamhati ay patunay na ang mga alaala ng sugat-diwa ay hindi “amnesic,” “unspeakable,” at “unclaimed.”

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Play; Grief--Psychological aspects

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-16-2025

Available for download on Wednesday, April 16, 2025

Share

COinS