Date of Publication

4-2023

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Fine Arts in Creative Writing

Subject Categories

Creative Writing | Poetry

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature, Department of

Thesis Advisor

Mesandel Virtusio Arguelles

Defense Panel Chair

Carlos M. Piocos, III

Defense Panel Member

Romulo P. Baquiran, Jr.
Vijae Orquia Alquisola

Abstract/Summary

Ang tulang “Portrait of a Lady (Unfinished)” ay isang mahabang tula (“long poem”) na ipinangalan alinsunod at nagsisilbi ring ekphrasis sa obra ni Fernando Amorsolo: isang larawan ng babaeng hindi natapos hanggang sa kamatayan ng pintor. Sa akdang ito, ginagalugad ang mga tema ng pag-iral, ugnayan ng likhang-sining sa lumikha nito, sa ipinapaksa niya, at sa saksing tagapanood, pati na rin ang pakikipagtagisan nito sa mga institusyong pansining; mga paraan ng pagtatanghal ng sarili sa mundo sa mga paraang parehong sinasadya at lingid; mga pagmumuni sa kalikasan ng atensyon, at iba pa.

Ngunit higit dito, isang imbestigasyon ang “Portrait” ng konsepto ng “long poem”. Sa pamamagitan ng kaniyang pagkakasulat, nilalayong diskursohin ng akda kung ano nga ba ang “mahabang tula”, ano ito sa tradisyon ng Filipinong pampanulaan (o: ano ang “Filipino” rito), at ano ang “kontemporaneo” rito. Sa prosesong ito nagiging teoryabilang-praxis ang pagdulog ng “Portrait” sa pagtugon nito sa diskurso: ang mahabang tula bilang isang pagmamaterya ng pagnanasang mapag-alinsabay ang iba’t ibang salig ng kondisyong umiiral at hindi sa kaniyang paglikha—kasama na ang pamanahon at napapanahong danas ng Filipino—sa pamamagitan ng haba nito, ang alinsabay ding pagkabigo ng ganitong proyekto, at ang pagtatagumpay ng ganitong pagkabigo.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

148 leaves

Keywords

Poetry, Modern; Amorsolo, Fernando, 1892-1972

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-22-2023

Share

COinS