Date of Publication
10-2025
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in History
Subject Categories
Agricultural Education | Asian History
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
History
Thesis Advisor
Ma. Florina Y. Orillos-Juan
Defense Panel Chair
Lars Raymund C. Ubaldo
Defense Panel Member
Marcelino M. Macapinlac, Jr.
Arleigh Ross D. Dela Cruz
Abstract/Summary
Layunin ng pag-aaral na ito na mailahad ang institusyonal na kasaysayan ng Central Luzon Agricultural School (CLAS) bilang isa sa pinakamalaking paaralang agrikultural na itinayo ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas. Bunsod ito ng kakulangan ng malalim na pananaliksik hinggil sa CLAS. Saklaw nito ang mga taon mula 1901, nang maipasa ang School Law, hanggang 1941, taon ng pagsasara ng paaralan dahil sa digmaan sa Muñoz. Gumamit ang pag-aaral ng descriptive-analytical na pamamaraan upang mailarawan ang mahahalagang salik sa pagkakatatag ng CLAS. Kabilang dito ang impluwensiya ng Jardin Botanica, Estacion Experimental de Agricultura, at las granjas modelos ng panahon ng kolonyalismong Espanyol na naging huwaran ng Pamahalaang Amerikano. Itinampok ang paggamit ng sociological institutionalism upang maipaliwanag ang pagiging institusyon nito, bilang isang paaralang agrikultural sa antas ng intermidyet at sekondarya.
Tinalakay rin ang konteksto ng mga hamon at balakid sa pagbubuo ng CLAS, kasama na ang mga suliraning pangkapaligiran, gaya ng sakit ng tao at hayop, na hindi naging hadlang sa pag-unlad nito. Lumitaw na mas madaling niyakap ng mga mag-aaral, guro, at mamamayan ang sistemang pang-edukasyon sapagkat itinuring ang CLAS bilang isang komunidad, isang tahanan at sentro ng pagkatuto. Napatunayan din ang tagumpay ng mga proyektong pampaaralan gaya ng pagsasanay sa agrikultura at pagpapaunlad ng mga karatig-komunidad. Naging mahalagang ambag ng CLAS ang pagkakaroon ng mga guro para sa iba’t-ibang paaralang agrikultural, farm school at settlement farm school na nagpalawig sa edukasyong pang-agrikultura at pang-bokasyonal sa Pilipinas
Mga Susing Salita: CLAS, Edukasyong Pang-Agrikultura, Institusyonal na Kasaysayan, Paaralang Agrikultural
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Agricultural education--Philippines--Central Luzon; Agricultural colleges--Philippines--Central Luzon; Central Luzon Agricultural School (Philippines)--History
Recommended Citation
Abao, F. C. (2025). Mula palusad hanggang pagiik: Isang kasaysayang institusyonal ng Central Luzon agricultural school, 1901 – 1941. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_history/12
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
8-16-2025