Bakong kultura, bagong pag-asa, at pag-asam ng pagbangon sa gitna ng mga hamon: Isang paghahango at pagmamalay tungo sa kultural na pagkakakilanlang teresiano
Date of Publication
3-2026
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
Raquel E. Sison-Buban
David Michael M. San Juan
Abstract (Filipino)
Naglalayon ang pananaliksik na ito na matalunton ang gampaning kultural ng bakong bilang hanguan ng produktong pangkabuhayan ng mga Teresiano. Isinagawa ang pangunahing layunin nito sa pamamagitan ng dalawang konsepto na tumatalakay sa paghahango at pagmamalay na iniugnay sa Cultural Diamond ni Wendy Griswold. Naging masalimuot ang naging kasaysayan ng bakong na patuloy na naghahanap ng puwang sa puso ng lipunang ginagalawan nito. Nahahati sa dalawang yugto, ang pakikibaka ng bakong tungo sa pagkakakilanlan – (1) una, ang panahong masigla ang bakong na humuhulma bilang isang natatanging manipestasyon ng kulturang Teresiano; at (2) ikalawa, ang pagturing sa bakong bilang pribadong inisyatiba na nagdulot ng masalimuot na kalagayan sa mismong industriya nito. Nanatili hanggang ngayon ang patuloy na pagkilala sa bakong na nagpapamalas ng patuloy na pagtaas ng kamalayan sa potensiyal nito, ngunit higit na lumilitaw ang mga isyung nangangailangan ng masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa loob ng pagawaan nito. Malinaw din na ang pag-unlad ng isang gawaing pangkultura at pang-ekonomiya ay hindi maihihiwalay sa mas malawak na konteksto ng pamumuno, istrukturang panlipunan, at dinamikong interaksiyon ng mga lokal na salik na humuhubog sa identidad at kabuhayan ng pamayanan.
Abstract Format
html
Abstract (English)
This study aims to examine the cultural role of bakong as a derivative of a Teresian economic product. The primary objective explored by two key concepts—derivation and realization—within the framework of Wendy Griswold’s Cultural Diamond. The historical development of bakong is complex, as it has evolved within varying social contexts. The struggle for bakong’s identity can be understood in two phases: (1) first, a period during which it was enthusiastically developed as a distinctive expression of Teresian culture; and (2) second, a stage in which it became a privatized initiative, resulting in increased challenges within the industry. At present, bakong continues to gain recognition, reflecting a high level of realized potential. However, the persistent issues within the industry require further investigation and critical analysis. Overall, the findings suggest that the development of cultural and economic practices cannot be viewed in isolation. Instead, they must be understood within a broader context that includes leadership, societal structures, and the dynamic interaction of local factors that collectively shape the identity and livelihood of the community.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Communities--Philippines; Group identity--Philippines
Recommended Citation
Lorenzo, I. T. (2026). Bakong kultura, bagong pag-asa, at pag-asam ng pagbangon sa gitna ng mga hamon: Isang paghahango at pagmamalay tungo sa kultural na pagkakakilanlang teresiano. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/32
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
4-10-2026