Date of Publication
2-2021
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Film and Media Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Chair
Dolores R. Taylan
Defense Panel Member
Dennis S. Erasga
Roberto E. Javier, Jr.
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay isang panimulang pagsipat sa umuusbong na genre ng coming of age film sa Pilipinas. Naging tuon ng tesis ang pagsusuri sa kung paanong nagtatagpo ang sining ng pelikula at realidad sa pagdiskurso ng kamuwangang pansarili at kamulatang sosyal, ang dalawa sa pangunahing paksa ng isang coming of age film. Gayundin, sinipat ng pananaliksik ang papel ng pag- aaral sa pelikula bilang optiko ng pagsusuri ng lipunan at ang ambag nito sa pagpapalawig ng sakop at antas ng Araling Filipino bilang disiplina. Isinakatuparan ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga piling full-length film mula sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival: ang Pisay (2007), The Animals (2012), #Y (2014), at John Denver Trending (2019). Ginamit bilang gabay sa pagsusuri ang Three Dimensions of Film Narrative ni David Bordwell. Bukod dito, nagsagawa rin ng sarbey sa piling mga mag-aaral ng Senior High School (SHS) ng Pamantasang De La Salle, Maynila. Mula sa pagsipat sa mga pelikula at paglalagom sa resulta ng mga tugon ng respondents, natukoy ang dalawang paraan ng pagtatagpo ng pinilakang-tabing at realidad sa pagdiskurso sa konsepto ng coming of age. Una, bilang salamin at/o ekstensyon ng kolektibong danas na makikita sa mga pelikulang Pisay (2007) at John Denver Trending (2019). Ikalawa, bilang likhang realidad na masasalamin sa mga pelikulang The Animals (2012) at #Y (2014).
Gayundin, nabuo mula sa naging pagsusuri sa naratibo ng mga pelikula ang mungkahing balangkas ng mananaliksik na maaaring gamitin ng mga iskolar at/o mag-aaral na magkakaroon ng interes na sipatin pa ang genre ng coming of age film sa Pilipinas. Binubuo ito ng tatlong salik: ang (a) PAGTUKLAS na tumutukoy sa karakterisasyon, mga tunggalian, at mundong kinapapalooban ng kuwento; (b) PAGBAGTAS na sumusuri sa paraan ng pagharap ng mga tauhan sa kani- kaniyang tunggalian at ang mga elementong nakaapekto rito; at (c) PAGMULAT na sumasalamin sa naging resolusyon ng mga tinalakay na problema sa pelikula.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
507 leaves
Keywords
Film festivals; Cinemalaya Philippine Independent Film Festival; Motion pictures--Philippines; Self-consciousness (Awareness)
Recommended Citation
Concha, C. A. (2021). Pagtuklas-pagbagtas-pagmulat: Isang pagsipat sa danas ng kamuwangang pansarili at kamulatang sosyal ng mga piling mag-aaral ng senior high school (SHS) sa naratibo ng mga piling coming of age film ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/3
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
5-24-2021