Date of Publication

11-2025

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Philosophy in Philosophy

Subject Categories

Philosophy

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Philosophy

Thesis Advisor

Napoleon M. Mabaquiao, Jr.

Defense Panel Member

Victor E. Gojocco
Jerry Imbong
Joseph Martin M. Jose
Cesar J. Unson, Jr.

Abstract (English)

Immigration debates increasingly spotlight socio-political and moral philosophy, particularly the ethical considerations of border control. Prominent scholars David Miller and Joseph Carens offer contrasting views. Miller argues that open borders threaten the welfare state by eroding citizens' trust and thus advocates for restrictions to protect it. In contrast, Carens criticizes the notion that liberal democracies have a moral right to control immigration, likening closed borders to modern feudalism. He believes open borders are necessary to aid those suffering from global injustices. To synthesize these perspectives, this study uses Apolinario Mabini’s philosophy of nationalism as a framework. Mabini’s ideas support Miller’s view on maintaining trust among co-nationals but emphasize that this trust is feasible only if people view each other as part of a shared nationality. This study proposes that Mabini’s nationalism offers a balanced perspective between Miller’s restrictive approach and Carens’ open-border advocacy. It argues that while large-scale immigration can be transformative, Mabini’s philosophy provides an understanding of how to ethically navigate the complexities of immigration policy.

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Ang mga usapin, talakayan at pagtatalo hinggil sa isyu ng imigrasyon ay sumesentro sa panlipunang pulitika at pilosopiyang moral, partikular sa etikal na konsiderasyon sa pagkontrol ng mga pambansang hangganan. Ang mga kilalang pilosopo sa diskursong ito, na sina David Miller at Joseph Carens ay nagbigay ng kani-kanilang pananaw sa isyu. Si Miller ay naglatag ng kanyang mga argumento na may paniniwalang ang pagbubukas ng mga hangganan ay isang malaking hamon at banta sa kapakanan ng lipunan, at ito ay nagdudulot ng pagkasira ng tiwala ng mga mamamayan sa isa’t-isa, kaya iminungkahi niya ang masusing pagbabantay dito. Taliwas dito ay ang pananaw ni Carens na tumutuligsa sa demokratikong liberal na nag-gigiit sa karapatang moral ng estado sa pag-kontrol ng imigrasyon at paghahalintulad nito sa isang makabagong piyudalismo sa kasalukuyang panahon. Naniniwala siya na ang pagbubukas ng mga hangganan ay nakapagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kawalang katarungan sa sangkatauhan. Upang makagawa ng sintesis o pagbubuo ng mga pananaw ay isasama ng pag-aaral na ito ang mga pagtingin at argumento ni Apolinario Mabini sa pilosopiya ng pagkabansa o philosophy of nationalism bilang balangkas. Sumasang-ayon si Mabini sa pananaw ni Miller na mahalagang mapanatili ang tiwala ng mga mamamayan sa isa't-isa kung sila magkabahagi sa isang pagkabansa. Iminungkahi ng pag-aaral na ito na ang pilosopiya ng pagkabansa ni Mabini ay may pantay na pagtanaw sa argumento ni Miller na dapat ay may mahigpit na pagbabantay sa mga hangganan at sa paniniwala ni Carens na kailangan na buksan ang mga hangganan. Ilalahad ang argumento na sa kabila ng katotohanan na may panlipunan at politikal na pagbabagong dala ng malalaking imigrasyon, ang pilosopiya ni Mabini ay makatutulong sa wastong pag-unawa sa usapin at gabay sa tamang landas sa pagbuo ng mga pananaw, prinsipyo at polisiya sa usapin ng imigrasyon.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Keywords

Debates and debating; Political ethics; Apolinario Mabini, 1864-1903; David Miller; Joseph H. Carens

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-8-2026

Available for download on Tuesday, December 08, 2026

Share

COinS