Date of Publication

2024

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Philosophy in Philosophy

Subject Categories

Philosophy

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Philosophy

Thesis Advisor

Maxell Lowell C. Aranilla

Defense Panel Chair

Napoleon M. Mabaquiao, Jr.

Defense Panel Member

Francis Julius Evangelista
Faiq Edmerson T. Quinto
Lorenz Moises J. Festin
Joseph Martin Jose

Abstract/Summary

Para sa ilang mga pilósopó, ang pag-iral ng isang lugar o katayuang tinatawag na impiyerno ay hindi naaayon sa isang Diyos na úbod ang kabutihan, ang kapangyarihan, at ang kaalaman. Layunin ng papel na itong makatuwirang ipagtanggol ang magkaalinsabay na pag-iral ng Diyos at ng impiyerno sa pamamagitan ng sumusunod. Una, pagsuri ng mga pangunahing kontemporaryong kritisísmo ukol sa suliranin ng impiyerno. Inilahad ko ang mga ganting katanungan, mga puwáng, at ang mga pag-aalinlangan sa kanilang mga kritisísmo. Ikalawa, sa pamamagitan ng pamamanhik sa mga opisyal na katuruan ng Kristiyanísmo ukol sa kalikasan ng Diyos at pagtukoy sa mga saligang pilosopikal ng mga ito, tinatasá ng papel na ito kung paano tutugon sa mga kritisísmo. Ipinapalagay na masasagot ang mga ito kung titingnan lamang nang buô at komprehensibo ang mga opisyal na katuruang Kristiyano ukol sa pag-iral ng Diyos at ng impiyerno. Maipakikitang mas makatuwirang maipagtatangol ang pag-iral ng Diyos at ng impiyerno mula sa mga argumentong laban sa kanilang magkaaalinsabay na pag-iral.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Philosophy and religion; God—Philosophy; Hell

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

8-5-2025

Available for download on Tuesday, August 05, 2025

Share

COinS