Date of Publication

7-2026

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Philosophy in Literature

Subject Categories

Arts and Humanities

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature, Department of

Thesis Advisor

David Jonathan Y. Bayot

Defense Panel Chair

Jazmin B. Llana

Defense Panel Member

Alvin Yapan      
Paz Verdades M. Santos
Genevieve Lampasa Asenjo
Mesandel Virtusio Arguelles

Abstract (English)

This dissertation project examines the existence and development of Bikol kritika through the concept of tìnó, a Bikol word that refers to knowing, noticing, critiquing, and reporting. As a response to the perspective that there is a lack of or almost no systematic study of Bikol literary criticism, this research undertaking shows that traditions of Bikol kritika already exist, but they have not yet been fully collected and studied as a discipline using metacriticism as an approach. The objective of this study is to determine how the variants of tìnó mirror the kritika of Ma. Lilia F. Realubit, Jazmin B. Llana, Raniela E. Barbaza, and Paz Verdades M. Santos, and how their critical projects contribute to the formation of Bikol kritika as a unique field of literary criticism.

Using metacriticism as the main approach, the dissertation conducts a qualitative textual examination of selected critical works by four Bikol kritikos. Through close reading, comparative interpretation, and conceptual mapping, this project applies the tìnó variants—isi, pansin, reparo, and osip—as a framework for reading the kritika.

The project's major findings reveal how these conceptual variants manifest across the scholars' work, beginning with Realubit’s kritika, which demonstrates isi through the historical and cultural mapping of Bikolnon literature. Llana’s kritika highlights pansin through an ethnographic and performative reading of ritual and oral tradition. Barbaza’s works further extend this framework by displaying reparo and osip to challenge national narratives and insist on the sadiring banwa, while Santos’s critical projects ultimately merge all four variants in her feminist and ecocritical reading of gender, memory, and regional identity. Together, these four kritikos demonstrate that Bikol kritika is plural in scope, hybrid in methodology, and inherently critical in its refusal of colonial and national hegemony.

This project contributes to the field of literary criticism in the Philippines by using tìnó as a native theoretical framework for metacriticism and by articulating that a regional language can be used not just as an object of criticism but as a source of theory. Ultimately, this dissertation positions Bikol kritika as a dynamic, continuously developing, and worldly-negotiating field, rooted in Bikolnon ways of seeing and understanding.

 Keywords: Bikol kritika, literary criticism, metacriticism, tìnó,

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Sinuri ng proyektong disertasyong ito ang umiiral at umuunlad na kritikang Bikol sa pamamagitan ng konsepto ng tìnó, isang salitang Bikol na tumutukoy sa “pag-alam,” “pagpansin,” “pagkritika,” at “pag-uulat.” Isa itong pagtugon sa pananaw na kulang o halos walang sistematikong pag-aaral hinggil sa pampanitikang kritisismong Bikol. Ipinakikita sa pananaliksik na ito na may mga umiiral nang tradisyon sa kritikang Bikol subalit hindi pa lubusang napag-aralan bilang isang larangan gamit ang metakritisismo bilang dulog. Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin kung paano sinasalamin ng mga anyo ng tìnó ang kritika nina Ma. Lilia F. Realubit, Jazmin B. Llana, Raniela E. Barbaza, at Paz Verdades M. Santos, at kung ano ang ambag ng kanilang kritikal na proyekto sa pagbuo ng kritikang Bikol bilang natatanging larang ng pampanitikang kritisismo.

Ginamit ang dulog na metakritisismo at ang kwalitatibo at tekstwal na pagsusuri sa pagsipat ng mga piling kritikal na gawa ng apat (4) na kritikong Bikolano. Sa pamamagitan ng masusing pagbasa, komparatibong interpretasyon, at pagmamapa ng mga konsepto, ginamit sa pag-aaral na ito ang mga anyo ng tìnó—ang isi, pansin, reparo, at osip—bilang balangkas sa pagbasa ng kritika.

Makikita ang mga anyong konseptwal na ito sa kabuuan ng mga akda ng mga iskolar: sa kritika ni Realubit, nailalahad ang isi sa kanyang historikal at kultural na pagmamapa ng panitikang Bikolnon; sa kritika ni Llana, binibigyang pansin naman ng kanyang etnograpiko at performatibong pagbasa ang mga ritwal at ang oral na tradisyon. Higit pang pinalalawak ng mga gawa ni Barbaza ang balangkas na ito sa pagpapamalas ng reparo at osip upang hamunin ang mga pambansang naratibo at igitit ang sadiring banwa. Samantala, tuluyan namang pinagsama ng mga kritikal na proyekto ni Santos ang apat na anyo sa kanyang feminista at ekokritikal na pagbasa sa kasarian, alaala, at panrehiyong pagkakakilanlan. Sa kabuuan, ipinapakita ng apat na kritiko na ang kritikang Bikol ay malawak at kolektibo ang saklaw, gumagamit ng hybrid na metodolohiya, at likas na kritikal sa pagtanggi nito sa kolonyal at pambansang hegemonya.

Ang proyektong ito ay nag-aambag sa larang ng kritisismong pampanitikan sa Pilipinas sa paggamit ng tìnó bilang katutubong balangkas sa metakritisismo, at paggamit ng wikang panrehiyon hindi bilang paksa ng kritisismo kundi bilang batayan ng teorya. Sa huli, ang disertasyong ito ay nagpoposisyon sa kritikang Bikol bilang isang dinamiko, patuloy na umuunlad, at pandaigdigang larang ng pakikipagsundo na nag-ugat sa Bikolnong paraan ng pagtingin at pag-unawa.

 Mga Susing Salita: kritikang Bikol, kritisismong pampanitikan, metakritisismo, tìnó

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Keywords

Bikol literature; Criticism

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

7-25-2027

Available for download on Sunday, July 25, 2027

Share

COinS