Date of Publication
11-2025
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doctor of Philosophy in History
Subject Categories
Oral History | Social History
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
History
Thesis Advisor
Lars Raymund C. Ubaldo
Defense Panel Chair
Ma. Florina Y. Orillos-Juan
Defense Panel Member
Jose Rhommel B. Hernandez
Marcelino M. Macapinlac Jr.
Michael Eduard L. Labayandoy
Charmaine Misalucha-Willoughby
Abstract (English)
The Baguio Public Market was established in 1908 while the Baguio Stone Market structure was completed in 1918. It was destroyed in 1945 because of the carpet bombing in Baguio City. The Ibaloys, Kankanaeys and Ifugaos with the migrants from the plains (Batangueño, Ilocanos, Pangasinense, Kapampangan, and Mindanaoans) including the foreigners (Americans, Chinese, Japanese, Indians and Europeans) were part of the retail and wholesale trade in the market. Most of the Filipinos had market stalls while some sold their goods in market streets and alleys. Their livelihood changed because of urbanization and changes in the market policies.
The main argument of this research is that Filipinos involved themselves to keep their interests in the public market through establishing associations and cooperatives. These associations include the Baguio Market Vendors Association (BAMARVA) or Baguio Market Vendors Consolidated Alliance (BAMARVACO) Inc., Baguio City Market Fire Victims Association (BCMFVA), Hilltop and Fish Vendors Association Inc. (HFVAI), and two capital-intensive cooperatives. Henri Lefebvre’s theory of production of space was used to document the experiences of the market actors in relation to the public market. Archival documents such as news articles from Baguio Midland Courier, government documents, and pictures were utilized. Oral history was also a significant method in the research.
It was found out that the Baguio Public Market is very important to the locals, migrants, and tourists. Its establishment during the American period marked the influence of the Americans to the said hill station. After World War II up to the present, the space of the marketplace became wide and the actors increased as the city’s population increased since 1970s. The stakeholders in the market include the individuals with stalls, business group, traders or agents, tourists and citizens. BAMARVA looked after the interests of stall owners specially in 1996 when the local government signed a contract with a private developer.
Abstract Format
html
Abstract (Filipino)
Ang pamilihan ng Baguio City ay naitatag noong 1908 habang ang gusali sa pamilihan ng gulay ay nakumpleto noong 1918. Nakilala ito bilang ang Baguio Stone Market na nasira noong 1945 dahil sa pagbomba sa Baguio City noong Ikalawang Digmaang Pandaidig. Ang mga Ibaloy, ang unang etno-linggwistikong pangkat na nanirahan sa Baguio City, gayundin ang iba pang mga grupo sa Kordilyera gaya ng mga Kankanaey at Ipugao; mga migrante mula sa kapatagan (Batangueño, Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Mindanaoan); at mga dayuhan (Amerikano, Tsino, Hapones, Europeao, Indiyano) ang naging bahagi ng pamilihan na may pinaghalong tingian (retail) at bultuhang pangangalakal (wholesale trade). Karamihan sa mga Pilipino ay nagtaglay ng tradisyunal na kabuhayan gaya ng pagkakaroon ng puwesto sa pamilihan at pagtitinda sa kalye at bangketa. Sa paglipas ng panahon, ang kanilang mga kalagayan ay nagbago dahil sa urbanisasyon at pagpapatupad ng mga patakaran ng pamahalaang lokal.
Pangunahing argumento ng pananaliksik ang pakikisangkot ng mga Pilipino upang pangalagaan ang kanilang mga interes at karapatan sa pamilihan sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga samahang pansibiko gaya ng Baguio Market Vendors Association (BAMARVA) o Baguio Market Vendors Consolidated Alliance (BAMARVACO) Inc., Baguio City Market Fire Victims Association (BCMFVA), Hilltop and Fish Vendors Association Inc. (HFVAI), at mga kooperatiba. Ang pag-aaral na ito ay batay sa teyorya ng produksyon ng espasyo ni Henri Lefebvre. Ginamit ang mga impormasyon at kaalaman (batis) mula sa arkibo, gaya ng mga artikulong pampahayagan mula sa Baguio Midland Courier, mga mapa, larawan, ulat ng pamahalaan, mga patakaran kaugnay sa pamilihan, pati ang pasalitang kasaysayan (oral history) upang maisulat ang panlipunang kasaysayan ng pamilihan ng Baguio City.
Lumabas sa pananaliksik na ito na ang pamilihang bayan ng Baguio City ay may iba’t ibang kahalagahan sa mga unang nanirahan, nandayuhan, mga mamamayan, at mga turista sa lungsod. Ang pagtatayo sa Baguio Public Market ay isang pananda sa kapangyarihan ng mga Amerikano tungo sa mga Pilipino. Pagkatapos masira noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig hanggang sa kasalukuyan ay lumawak ang pamilihan ng Baguio City at dumami ang mga kalahok dito. Naririyan ang mga may puwesto, mangangalakal, negosyante o ahente, mga turista’t mamamayan na iniasa ang kanilang kabuhayan at pangangailangan sa paglahok sa mga gawain sa pamilihan. Lumakas ang Baguio Market Vendors Association (BAMARVA) na nangalaga sa kapakanan ng mga may puwesto at mga mamamayan mula sa tangkang muling paglinang (redevelopment) sa pamilihan sa pamamagitan ng pribadong pamumuhunan. Isang iniluwal na sitwasyon nito ang pagtatatag ng mga kooperatiba ng mga may puwesto at iba pang kalahok sa pamilihan. Nagtutuloy ang pagtatanggol ng mga nasa pamilihan at mga mamamayan ng Baguio City na panatilihin ang kontrol ng lokal na pamahalaan sa pamilihan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Markets--Philippines--Baguio City; Social history—1945-; Oral history--Philippines
Recommended Citation
Dela Cruz, K. B. (2025). Isang kasaysayang panlipunan ng pamilihang bayan ng Baguio City, 1945-2023. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_history/2
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
11-22-2027