Date of Publication
2023
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Domestic and Intimate Partner Violence | Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Dolores R. Taylan
Defense Panel Member
Raquel E. Sison-Buban
David Michael M. San Juan
Roberto E. Javier Jr.
Genevieve L. Asenjo
Abstract/Summary
Sa kabila ng iba’t ibang ulat tungkol sa pang-aabuso at pagmamaltrato sa Saudi Arabia, nananatili pa rin itong pangunahing destinasyon ng mas maraming Pilipino upang magtrabaho sa ibang bansa gaya ng domestic helpers. Pinatunayan ito ng datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa taong 2022 na nagpakita na malaking bahagdan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay babae at nabibilang sa elementary occupations kung saan kabilang ang mga DH.
Anuman ang salik na nagtutulak sa pag-alis ng mga migrante, mahalagang sipatin kung saan nagmumula ang mga balita ng inhustisya sa Saudi Arabia na pangunahing layunin ng pag-aaral. Bilang pagsasakonteksto, tinukoy ng mananaliksik ang iba’t ibang diskriminasyon, pang-aabuso at pandarahas na naranasan ng Filipina domestic helpers sa Saudi Arabia. Pagkatapos, sinuri ang kanilang ginawang paglaban at pagkilos upang bakahin ang naranasang eksployteysyon sa ibang bansa.
Kaugnay nito, natuklasan na hindi nanatiling pasibo ang Filipina domestic helpers sa Saudi Arabia sa halip nagpakita sila ng paglaban sa personal na lebel tungo sa kolektibong pagkilos sa tulong ng kapuwa DH at Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan (Sandigan) upang ipaglaban at igiit ang kanilang karapatan bilang migrante.
Samantala, mula sa pakikilahok at pagsusuri ng mananaliksik sa mga kuwentong buhay ng Filipina domestic helpers, dinalumat ang konsepto ng pagsasangkapangyarihan at panimulang balangkas nito kaugnay ng proseso kung paano ito nabubuo batay sa karanasan ng kababaihang domestic helpers sa Saudi Arabia.
Susing salita: Filipina domestic helper, Saudi Arabia, Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan (Sandigan), pagsasakapangyarihan
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Intimate partner violence--Philippines; Foreign workers, Filipino--Saudi Arabia
Recommended Citation
Anot, J. N. (2023). Ana Khadama: Mga kuwento ng pandarahas, paglaban, at pagsasakapangyarihan ng kababaihang domestic helpers sa Saudi Arabia. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/18
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
11-21-2025