Date of Publication
2023
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Feorillo Petronilo A. Demeterio III
Defense Panel Chair
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Member
Rodrigo D. Abenes
Dexter B. Cayanes
Renato G. Maligaya
Lars Raymund C. Ubaldo
Abstract/Summary
Sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng modernisadong panahon, may mga kultura pa ring namamayani at lalong napaiigting ng pakikipagsabayan sa mga pagbabagong ito. Isa na rito ang kultura sa tradisyonal na panggagamot kung kaya ang pananaliksik na ito ay nauukol sa pagtukoy, paglalarawan, at pagsusuri ng pagpapanatili at pag-aangkop ng tradisyonal na panggagamot ng isang pamilya sa Batangas–-ang Pamilya Dijan-Miranda. Isinagawa ang pag-aaral na ito gamit ang Awtoetnograpiya bilang daluyan sa pagdukal ng kaalaman sa pamamagitang ng sariling danas at masinsinang obserbasyon tungo sa pagpapaigting ng kaugnay na kultura. Nakapaloob sa paraang ito ang mahahalagang proseso ng rekoleksyon ng mga nakaraan o alaala, lahok-masid, pakikipanayam, at pagtingin sa mga album at kaugnay na dokumento ng Pamilya Dijan-Miranda hinggil sa panggagamot na isinagawa upang kalapin ang mga kinailangang datos. Upang mahimay ang mga impormasyon, ipinakilala at binakas ang pinagmulan ng panggagamot ng Pamilya Dijan-Miranda; inisa-isa ang mahahalagang danas ng bawat miyembro ng Pamilya Dijan-Miranda bilang mga manggagamot ganoon din ang danas ng mga ginamot; at tinukoy at inilarawan kung paano pinananatili at iniaangkop ng nasabing pamilya ang tradisyonal na panggagamot hanggang sa kasalukuyan. Inilapat sa papel na ito ang deskriptibong pamamaraan ng pag-aaral upang sipatin at ilarawan kung paanong hanggang sa kasalukuyang panahon kung kailan maraming pagbabagong nagaganap dulot ng modernisasyon at iba pang makabagong kaganapan ay nananatiling buhay pa rin ang tradisyonal na panggagamot ng pamilya sa kabila ng malaon nang panahon at modernong karanasan sa buhay tulad ng pangingibang bansa at pagkakaroon ng digri sa edukasyon at matatag na hanapbuhay. Mula sa mga paglalahad at pagdalumat sa karananasan ng bawat kalahok ay sinubukan ding maglahad ng mananaliksik ng sariling teorya kaugnay ng pagpapanatili at pag-aangkop ng tradisyonal na panggagamot–ang teorya ng KaLOOB.
Susing salita: Awtoetnograpiya, panggagamot, kaloob, labas, danas
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
518 leaves
Keywords
Ethnology; Healing; Traditional medicine--Philippines (Batangas)
Recommended Citation
Gutierrez, L. M. (2023). Ang panggagamot ng pamilya Dijan-Miranda: Isang awtoetnograpiya. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/16
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
8-12-2024