Date of Publication

4-2026

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Literature major in Creative Writing

Subject Categories

Poetry

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature, Department of

Thesis Advisor

Dinah T. Roma

Defense Panel Member

Vijae O. Alquisola
Ronald Baytan

Abstract (English)

Landlord White: A Mother’s Daughter’s Poems is a collection of twelve English poems written in confessional mode that juxtaposes an idealized mother figure with an implied daughter persona. The tensions born from these instances of childhood-rooted abstraction serve as the site from which the poems emerge, where explored anxieties are the product of two contrasting self-images. It is in this liminal space between the mother and the daughter, belonging to different generations and harboring different faces of grief, love, longing, and triumph, that the poems attempt to articulate a subconscious oscillation between emulating and separating from the matriarch. At once a model and an example, a promise and a warning, the mother figure is both the addressee and a thematic device through which subthemes are articulated, in the light of expectation and the shadow of selfhood.

For coherence, the collection was divided into four themed sections: I Wasn’t Born Whole; I Wish to Be Cremated; I Grew Inside His Shadow; and I’ve Built You a House. These headings set respective parameters of discussion for the following interrelated concepts: (postpartum) depression as a shared affliction between mother and daughter; generation gap as a fissure within the daughter’s established self-image; notions of romance as patterned after the mother’s volatile relationship with the father figure; and the daughter’s self-image as refracted but separate from the mother as a paragon of womanhood. Landlord White negotiates immutable characteristics of poetry to elucidate an inextricable aspect of what Marjorie Perloff referred to as the “human condition”: the interstice that breathes between both child and mother as the former gradually comes into their own person. In the words of James Longenbach, the collection pinpoints humans as free but derived, flowing but flown from the influence of parental figures in the same manner that language moves and creates lyric poetry, at once an invitation and a return to this “site of love” and amassed familial ambivalence.

Abstract Format

html

Abstract (Filipino)

Ang Landlord White: A Mother’s Daughter’s Poems ay isang koleksyon ng labindalawang tulang Ingles na isinulat na tila isang pagtatapat o kumpisal, at inilalatag ang paglalapit at paglalayo sa pagitan ng isang inu-ulirang ina at ng isang personang anak na babae. Ang mga tensyong umusbong mula sa ganitong anyo ng abstraksyong nakaugat sa pagkabata ang nagsisilbing lunan ng paglitaw ng mga tula. Sa loob ng mga tulang ito, ang mga sinusuring pagkabalisa at pag-aalinlangan ay maaaring maunawaan bilang produkto ng pag-iral ng dalawang magkasalungat na sariling imahe. Sa liminal na espasyong ito sa pagitan ng ina at anak, na kabilang sa magkaibang henerasyon at nagtataglay ng magkaibang uri ng pagdadalamhati, pag-ibig, pananabik, at pagtatagumpay, tinatangkang isatinig ng mga tula ang isang mala-walang malay na pag-indayog sa pagitan ng paggaya sa matriarka at paglaya mula sa kanya. Sabay na umiiral bilang huwaran at halimbawa, bilang pangako at babala, ang pigura ng ina ay nagsisilbing kapwa pinatutungkulan at tematikong aparato kung saan naipapahayag ang iba’t ibang subtema, sa liwanag ng inaasahan at sa anino ng paghubog ng sarili.

Upang mapanatili ang pagkakaugnay-ugnay, hinati ang koleksyon sa apat na tematikong seksyon: I Wasn’t Born Whole; I Wish to Be Cremated; I Grew Inside His Shadow; at I’ve Built You a House. Ang mga pamagat na ito ay nagtatakda ng kanya-kanyang balangkas ng talakayan para sa magkaugnay na konsepto ng sumusunod: ang (postpartum) depresyon bilang isang karanasang maaaring pagbahagihan ng ina at anak na babae; ang generation gap bilang bitak sa nabuo nang sariling imahe ng anak; ang mga konsepto ng pag-ibig na hinuhubog ayon sa masalimuot at hindi matatag na ugnayan ng ina sa pigura ng ama; at ang sariling imahe ng anak bilang isang repleksyon na dumaraan sa ina ngunit nananatiling hiwalay mula sa kanya bilang isang huwaran ng pagkababae. Sa kabuuan, ang Landlord White ay nakikipag-ugnayan sa mga likas at hindi mababagong katangian ng tula upang bigyang linaw ang isang hindi maihiwalay na dimensyong tinutukoy ni Marjorie Perloff bilang “human condition”: ang pagitan o interstice na patuloy na humihinga sa pagitan ng anak at ina, habang ang una ay unti-unting humuhubog ng sariling pagkatao. Sa pananaw ni James Longenbach, itinatampok ng lipunan ang tao bilang sabay na malaya at hinuhubog, umaagos ngunit nagmumula sa impluwensya ng mga magulang, sa paraang maihahambing sa galaw ng wika sa paglikha ng tulang liriko. Sa ganitong pagbasa, ang mga tula ay maaaring ituring na paanyaya at pagbabalik sa “pook ng pag-ibig,” kung saan naiipon at muling sinusuri ang masalimuot na pagdadalawang-isip ng ugnayang pampamilya.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Keywords

Philippine poetry (English)

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-15-2027

Available for download on Thursday, April 15, 2027

Share

COinS