Date of Publication
4-18-2026
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in History
Subject Categories
Legal | Political History
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
History
Thesis Advisor
Dr. Ma. Florina Orillos - Juan
Defense Panel Member
Dr. Michael Charleston B. Chua
Dr. Lars Raymund C. Ubaldo
Abstract (English)
This thesis analyzes the historical development of the Philippine legal system from the imposition of the Public Land Act (1903) to the ordainment of the Agricultural Land Reform Code (1963), focusing on the hybridization of Spanish civil law and American common law as reflected in landmark Supreme Court rulings on land law-related cases. The research addresses how doctrinal features from both legal traditions were selectively integrated into judicial reasoning and how these hybrid rulings influenced the formation of a distinct legal order. Using Agabin’s concept of the “mestizo legal system” as the study’s conceptual framework, the thesis examines how legal hybridization evolved through the judiciary’s adaptation to colonial and postcolonial demands. The study employs the historical method, guided by descriptive and analytical approaches, to interpret court decisions as historical texts. Primary sources include land law-related cases decided by the Supreme Court between 1903 and 1963, which are examined for their legal content, reasoning, and implications. These are contextualized using secondary sources that address broader institutional, doctrinal, and political developments. The analysis is situated within the field of jurisprudential history, which treats law as a historically embedded and ideologically contested institution.
Keywords: (1) Jurisprudence, (2) Mestizo Legal System, (3) Civil Law, (4) Common Law, (5) Tenancy
Abstract Format
html
Abstract (Filipino)
ABSTRAK
Sinusuri ng pag-aaral na ito ang kasaysayan ng kaayusang pambatas sa Pilipinas mula sa pagpapatupad ng Public Land Act (1903) hanggang sa pagkakatatag ng Agricultural Land Reform Code (1963), na nakatuon sa pagsasanib ng mga civil law na nagmula sa Espanya at ng mga common law na mula sa Estados Unidos, gaya ng makikita sa mga makasaysayang pasya ng Korte Suprema hinggil sa mga usaping may kaugnayan sa lupain. Inilalahad ng pag-aaral na ito kung paano naipanday ang dalawang magkaibang saligan ng batas sa pamamagitan ng pangangatwiran ng hukuman, at kung paanong ang mga pinagsanib na pasyang ito ay nakaambag sa paglitaw ng isang natatanging kaayusang pambatas. Ginamit sa pag-aaral ang kaisipan ni Pacifico Agabin hinggil sa “mestizo legal system” bilang balangkas upang siyasatin kung paanong ang pagsasanib ng mga tuntunin ay umunlad sa pamamagitan ng pag-angkop ng hudikatura sa mga hinihingi ng panahong nasa ilalim ng pananakop at sa mga sumunod na yugto matapos nito. Isinagawa ang pag-aaral gamit ang metodong pangkasaysayan, na ginagabayan ng masusing paglalarawan at pagsusuri, upang unawain ang mga pasya ng hukuman bilang mga tekstong pangkasaysayan. Kabilang sa mga pangunahing batis ang mga kasong may kinalaman sa lupa na pinagpasiyahan ng Korte Suprema mula 1903 hanggang 1963, na sinuri batay sa nilalaman, pangangatwiran, at mga implikasyon nito sa batas. Isinasa-konteksto ang mga ito sa mas malawak na mga pangyayaring makasaysayan sa pamamagitan ng mga sekundaryang batis na tumatalakay sa mga pagbabagong pangkagawian, pangkaisipan, at pampamahalaan. Ang pagsusuri ay nakapaloob sa larangan ng kasaysayang pambatas at pangangatwirang panghukuman, na tumuturing sa batas bilang isang institusyong nakaugat sa kasaysayan at pinagtatalunan sa antas ng kaisipan at kapangyarihan.
Mga susing salita: (1) Jurisprudence, (2) Mestizo Legal System, (3) Civil Law, (4) Common Law, (5) Tenancy
Abstract Format
html
Language
English
Keywords
Jurisprudence; Mestizo Legal System; Civil Law; Common Law; Tenancy
Recommended Citation
Pamorada, E. (2026). The “Mestizo” Philippine Legal System: A Legal History of Hybridization and Its Implications on Select Landmark Supreme Court Rulings on Tenancy, 1903-1963. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_history/40
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
4-18-2026