Date of Publication

12-2022

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Film and Media Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Deborrah S. Anastacio
Alphonsus Luigi E. Alfonso

Abstract/Summary

Umiral ang grupong Kpop Stans For Leni matapos nagpahayag ng anunsyo ni dating VP Leni Robredo sa kaniyang pagtakbo sa pagkapangulo sa Halalan 2022. Kaakibat ng pag- iral na ito, ang hindi mainam na pagtanggap sa grupo ng mga kapwa tagahanga at mga kapwa mamamayan na naniniwalang hindi dapat tumatawid sa politika ang mga fandom. Bilang mga tagahanga, kinikilala sila bilang mga apolitikal na walang boses para sa kanilang sarili at ginagamit lamang nila ang mga boses na ito sa pagsigaw para sa pagbibigay ng suporta sa mga iniidolo. Sa kabilang banda, sinimulan namang pinatunayan ng Kpop Stans For Leni na mayroon silang kakayahan bilang mga tagahanga sa pakikibahagi sa politika nang mapatrend nila ang hashtag na #LetLeniLead2022 sa ilalim ng paksang Kpop na pumukaw sa pansin ng mananaliksik.

Matapos ang unang araw ng pag-iral na kasabay ng kanilang pagpapatrend sa nasabing hashtag, nagkaroon pa ng mga sumunod na proyekto ang grupo at kasama na rito ang kanilang Twitter spaces na kalaunang naging bahagi na ng kanilang spotify na kinikilala bilang “bootcamp” na mayroong apat na missions podcast. Ang apat na missions podcast na ito ang naging pokus na materyal na pag-aaral ng pananaliksik upang matukoy ang kasagutan sa suliraning “Paano tumawid ang kultura ng fandom sa paraan ng apat na Spotify missions na nagmula sa Twitter Spaces ng @KPOPSTANS4LENI?” Kung saan, nagsisilbing lunan ng mga bahagi ng fandom ang apat na missions podcast na ito upang matuto sa usapin ng politika at magpahayag ng kanilang mga karanasan sa parehong komunidad ng fandom at sa bansa. Hindi alam ng nakararami na sa pananatili sa fandom ay nakagagawa na sila ng mga hakbangian tungong politikal na pagkilos para sa sa kanilang kapwa Pilipino.

Mula sa mga pakikinig ng mga podcast, nagsagawa ng transkrip ang mananaliksik na kaniyang hinati sa paraan ng tatlong metodo ng coding — deductive coding, simultaneous coding, at thematic analysis na pamamaraan ng coding. Matapos ito, sinuri ng mananaliksik ang kaniyang nakalap na datos sa paraan ng Critical Discourse Analysis at nahinuha na mayroong mga bahagi ng kulturang fandom ang maaaring tumawid patungong kultura ng politikang Pilipino.

Kinikilala ang kinukonsumong Kpop ng gma tagahanga bilang bahagi ng kulturang popular na mayroong kakayahang makaimpluwensiya at makapagpabago sa mamamayan. Kaugnay rin nito, napaiigting ang pagiging partisipatibo ng grupo sa paraan ng pagbabahagi ng mga talento, malikhaing kakayahan, at kaalaman sa pagsisiwalat ng kani-kaniyang adhika. Itinatawid din naman ng Kpop Stans For Leni ang kanilang pagtatala ng pamantayan para sa kanilang mga idolo patungo sa pagpili ng mga politiko na nagpapakita ng mataas ng standard bago matawag na idolo. Samantala, mayroon pa ring parehong tinatanggap na negatibo at positibong bahagi ng kulutang Kpop ang Kpop Stans For Leni na masasabing negotiated pa rin ang kanilang pagtanggap sa Kpop.

Katulad ng kanilang pagtanggap sa Kpop, ang kanilang pagtingin at pagsuporta kay Leni Robredo. Mahalaga para sa kanilang tanggapin kung kumukilos ang mga idolo at pinuno na naaayon kanilang tungkulin samantala dapat ‘ding huwag mag-atubili ang mga ito kung nakakakita ng pagkukulang o pagkakamali.

Parehong mayroong positibo at negatibong epekto ang pagsuporta sa fandom at mahihinuha ng mananaliksik na mainam na tumuwid patungong politikang Pilipino ang mga positibong kulturang fandom na ito.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Physical Description

x, 402 leaves

Keywords

Fans (Persons) in mass media

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-19-2022

Share

COinS