Date of Publication

9-2021

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Film and Media Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Honor/Award

Outstanding Thesis

Thesis Advisor

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Deborrah S. Anastacio
Jeconiah M. Dreisbach

Abstract/Summary

Matindi ang hamon na kinakaharap ng mundo, partikular na ng Pilipinas, nang kumalat ang sakit na COVID-19 sa bansa. Milyon-milyong mga Pilipino ang naapektuhan nito at marami na ring pamilya ang nawalan ng mga mahal nila sa buhay. Sa patuloy na paglubha ng COVID-19 sa bansa, mahalaga ang tungkulin ni Harry Roque bilang kasalukuyang tagapagsalita ng administrasyong Duterte, sa pagpapalaganap ng mahahalagang mga impormasyon upang malaman ng mga Pilipino ang mga plano o hakbang na isinasagawa ng pamahalaan sa pagtugon nito. Matatagpuan sa pananaliksik na ito ang paghihimay sa mga pahayag ni Harry Roque sa pamamagitan ng pagkalap ng mga transcript mula sa kaniyang press briefings hinggil sa krisis ng COVID-19. Lumabas sa isinagawang pananaliksik, gamit ang tematikong pagsusuri at teoryang Critical Discourse Analysis ni Norman Fairclough, ang dalawang suliranin na nakapaloob sa mga pahayag ni Harry Roque: ang kaniyang pang-aabuso sa kapangyarihan at manipulasyon niya ng mga datos. Sa halip na paglingkuran niya ang bayan nang tapat, pilit niyang binabago ang imahe ng administrasyong Duterte sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng hindi makatotohanang impormasyon para sa kanilang pansariling interes.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

v, 240 leaves

Keywords

COVID-19 (Disease)--Philippines; Duterte, Rodrigo Roa, 1945--Administration

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

9-13-2021

Share

COinS