Date of Publication
2025
Document Type
Dissertation/Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Mon Karlo Mangaran
Defense Panel Chair
Deborrah Anastacio, Ph.D.
Defense Panel Member
Raquel E. Sison-Buban, Ph.D.
Dolores R. Taylan, Ph.D.
Abstract/Summary
Nagsisilbing kanlungan ang kapatiran para sa mga naghahanap ng suporta at pagkakakilanlan. Bago maging ganap na miyembro, nagsasagawa ang mga kapatiran ng initiation rites upang diumano'y subukin ang pisikal at mental na kakayahan ng mga nais sumapi rito. Bagamat malawak na nasuri ang iba’t ibang aspekto ng mga bunga nito, ang konsepto ng kapatiran na siyang pundasyon nito ito ay madalas na naisasantabi sa pananaliksik. Siniyasat ng mananaliksik ang kahulugan ng kapatiran batay sa mga karanasan ng miyembro ng Apricot at Tangerine fraternities. Nagsagawa ng semi-structured in-depth interview sa anim na kasapi nito upang matukoy ang kanilang pananaw at pagpapakahulugan sa kapatiran. Sa mga kasapi ng Apricot, ang kapatiran ay nakaugat sa prinsipyo ng pagtutulungan, respeto, at pagkakaisa. Para sa Tangerine, hindi lamang ito nakatuon sa pisikal na pagsubok kundi isang komunidad na pinapanday ang pagkatao at moralidad sa pamamagitan ng diyalogo, respeto, at paggamit ng lohika sa halip na karahasan. Sa kabila ng negatibong tingin ng publiko, para sa ilan, ang kapatiran ay behikulo patungo sa kabutihan at pag-unlad—para sa sarili at sa komunidad. Lipas na ang panahong idinadaan sa gulo ang paglutas ng mga suliranin at ang kanilang tinig at pagpapakumbaba ang naging daan tungo sa kapayapaan. Unti-unting lumalabo ang linya sa herarkiyang umiiral—neophyte at masters—sa oras na sila'y mabinyagan, ang tanda ng ganap na pagtanggap bilang tunay na kapatid sa ilalim ng iisang Ama o Diyos.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Recommended Citation
Batoon, J. B. (2025). Ang Kapatiran sa Pananaw ng mga Kasapi ng Apricot at Tangerine. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/22
Upload Full Text
wf_yes
[PHS UG Pinal na Tesis] Kabanata 1.pdf (972 kB)
[PHS UG Pinal na Tesis] Kabanata 2.pdf (1123 kB)
[PHS UG Pinal na Tesis] Kabanata 3.pdf (867 kB)
[PHS UG Pinal na Tesis] Kabanata 4.pdf (2352 kB)
[PHS UG Pinal na Tesis] Kabanata 5.pdf (734 kB)
[PHS UG Pinal na Tesis] Apendiks.pdf (3252 kB)
Embargo Period
1-26-2025