Date of Publication
12-17-2024
Document Type
Dissertation/Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Rhoderick V. Nuncio, Ph.D.
Defense Panel Chair
Deborrah S. Anastacio, Ph.D.
Defense Panel Member
Joshua Mariz Felicilda
Alphonsus Luigi Alfonso
Abstract/Summary
Kasalukuyang hinaharap ng Manila Sound ang mga hamon sa industriya ng musika sa Pilipinas upang maabot ang buong potensyal nito bilang isang music wave, kung saan mas binibigyang halaga ang kategorya ng P-Pop kaysa dito. Sa bisa ng epektibong merkado na kinokonstra ng mga produksyon ng P-Pop upang mas pahalagahan ng masang Pilipino sa loob ng maraming dekada, ang potensyal ng Manila Sound sa pagiging malikhain ay maaari rin itong makamit at mabigyang halaga. Sa pag-aaral na ito, inalam kung ano ang Bagong Manila Sound bilang ganap na music wave sa bansa. Sa pamamagitan ng tekstwal, kritikal, at historikal na analisis, inalam dito ang kasaysayan ng musika sa Pilipinas mula Retro Manila Sound patungo sa Bagong Manila Sound, at ang katapat nitong P-Pop. Sinuri din ng kalagayan at sitwasyon ng Manila Sound at komersyalisado upang maunawaan kung paano maaaring magkatulad o magkaiba ang kanilang mga sitwasyon.base sa panahon. Tinalakay din sa papel ang mga hamon katulad ng krisis sa identidad upang maabot nito ang pandaigdigang entablado. Ginamit ang teorya ni Pierre Bourdieu na batay sa kultural na kapital at tiningnan ang pag-aaral sa perspektibo ng mga nasa produksyon ng musika at mga tagahanga. Ang pagsusuri ng pag-aaral ay nagpapakita na hangga't patuloy na nagiging banta ang P-Pop at musikang global sa tagumpay ng Bagong Manila Sound, nananatili ang isang malaking hadlang upang ito ay maging potensyal na kumatawan sa buong kultura ng OPM at mairepresenta sa pandaigdigang entablado. Darating ang panahon na muling aakyat ang Manila Sound sa pambansang entablado at sa hinaharap, ang pandaigdigang entablado kapag kinilala ito upang mapagmalaki at mapaunlad.
Mga susing salita: Bagong Manila Sound, Retro Manila Sound, OPM, P-Pop, Komersyalisado
Abstract Format
html
Language
Filipino
Recommended Citation
Dela Cruz, S. T. (2024). Retro Manila Sound at Bagong Manila Sound: Ang Pagbabalik ng Manila Sound sa entablado. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/21
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
12-16-2024