Date of Publication
12-10-2023
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Asian Studies | Music
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino, Departamento ng
Thesis Advisor
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Member
Mon Karlo L. Mangaran
Dolores R. Taylan
Abstract/Summary
Ang musika ay matagal nang integral sa estruktura ng isang pulitikal na kampanya. Mula sa mga jingle hanggang sa kumpletong mga awitin. Ang bawat piyesa ng musika ay nagtataglay ng tiyak na intensyong makabuo ng partikular na imahe ng kandidato kasabay ng pagpukaw ng emosyon mula sa mga magiging takapakinig nito. Hindi maipagkakaila ang impluwensya ng sining sa kampanya ni Atty. Leni Robredo noong Halalan 2022 at sa binansagang “Pink Revolution” na bumunga mula rito, kabilang na dito ang paggamit ng musika sa pagtaguyod ng kaniyang kampanya. Sa pananaliksik na ito, siniyasat kung bakit mahalagang aralin ang kaugnayan ng sining at mga emosyon sa larangan ng politika, lalo na sa pagbuo ng isang pulitikal na ikonograpiya na maaaring makatulong sa pagkamit ng kapangyarihan at impluwensya. Sinuri sa papel na ito ang limang pangkampanyang awitin mula sa kampanya ni Robredo. Mula rito, limang nangingibabaw na tema ang natukoy: 1) pagbabago; 2) malinis na paglingkod; 3) pag-asa; 4) pagkakaisa; at 5) katatagan. Sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga tema na ito sa isang baligtad na bersyon ng semiology ni Roland Barthes na Counter-Barthesian Semiology (CBS), ginalugad ng papel na ginampanan ng mga awitin sa pagpapatatag ng kilalang ikonograpiya na nagmula sa kampanya ng dating bise presidente.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Keywords
Campaign songs--Philippines
Recommended Citation
Aguilar, J. P. (2023). Musika at pag-iimahe: Pag-analisa ng impluwensya ng mga pangkampanyang awitin sa paglikha ng pulitikal na ikonograpiya ni Atty. Leni Robredo. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/15
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
12-10-2023