Date of Publication

2023

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Asian Studies | Social Media

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Thesis Advisor

Feorillo Petronillo A. Demeterio III

Defense Panel Chair

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Christopher Bryan A. Concha
Alphonsus Luigi E. Alphonso

Abstract/Summary

Si Kyle “Kulas” Jennermann o mas kilalang bilang BecomingFilipino sa Youtube, ay isang travel vlogger na kamakailan lang ay kinilala ng House of Representatives bilang kandidato para sa Philippine Citizenship dahil sa kaniyang adbokasiya ng paglakbay at pagtaguyod sa kultura ng Pilipinas. Madalas ang paksa ng kaniyang vlog ay tungkol sa pagtampok sa karanasan sa Mindanao sa kabila ng negatibong reputasyon ng rehiyon sa mga internasyonal na ahensya para sa turismo. Pinag-aralan sa papel na ito ang kontra-diskursong mensahe tungkol sa Mindanao ng mga bidyo ni Kulas sa pamamagitan ng pagsusuri ng 10 travel vlogs mula sa kaniyang Youtube Channel. Mula sa 10 vlog, umusbong ang tatlong matitingkad na sosyo-kultural na icon kabilang dito ang: (1) Bukas na Komunidad sa Mindanao; (2) Malaking Potensyal ng Industriya ng Mindanao; (3) Mapayapang Komunidad. Sa pagsusuri ng mga sosyo-kultural na icon gamit ang Kontra-Barthesian Semyolohiya ni Dr. Feorillo Demeterio, isang binaliktad bersyon ng sinaunang baryasyon ng Semyolohiya ni Roland Barthes, pinag-aralan ng papel ang kapasidad ng Semyolohiya na suriin ang nakapaloob na kontra-retorikal na diskurso ng mga akdang midya na bumabanga sa diskurso ng mga dominanteng grupo.

Susing Salita: Kontra-Barthesian Semyolohiya, travel vlog, Mindanao, Turismo.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Vloggers; Internet personalities; Kyle Jennermann

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-13-2024

Available for download on Friday, December 13, 2024

Share

COinS