Date of Publication

12-19-2022

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Film and Media Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino, Departamento ng

Honor/Award

Outstanding Thesis

Thesis Advisor

Feorillo Petronilo A. Demeterio III

Defense Panel Member

Rowell D. Madula
Joshua Mariz B. Felicilda

Abstract/Summary

Pinasinayaan noong taong 2000, ang Kapilya ng Ina ng Magnificat ng Paaralang Marist Marikina ay ang sentro ng pananampalataya ng naturang paaralan. Pangunahing inilikha nila Amerigo Dela Paz; Abdulmari Imao, Jr.; Michael Buenvenida; Jeffrey Buenvenida; at Levy Espiritu bilang proyektong bahagi ng 10-year development plan ng noo’y presidente ng paaralan na si Br. Manuel de Leon, FMS, ang kapilya ay may natatanging katangian bilang likhang sining na pook sambahan at arkitektural na istraktura.

Bilang natukoy na nalalapit na ang ika-25 anibersaryo ng kapilya ay binakas ng pananaliksik ang mga nalalabing rekord ng kapilya at pinagtagpi-tagpi ang itinalang oral na kasaysayan at dokumentasyon sa pisikal at simbolikong mga katangian ng kapilya bunga ng nawawalang artsibo nito. Sa layuning mapagplanuhan ang pangmatagalang konserbasyon ng kapilya nang maabot nito ang ika-50 na anibersaryo nito, ginawan din ng panimulang pagsusuri ang kaligtasan ng kapilya mula sa mga likas na banta na kung saan natagpuan na pinakamalaking banta na maaaring makaapekto sa pananatili ng kapilya ay ang lindol. Bukod dito, bagaman hindi kasing lubha ng lindol ay may potensyal pa rin na maapektuhan ang kapilya ng mga banta mula sa mga storm at pagbaha. Sa pagpapatibay ng mga hakbang na maaaring gawin para sa konserbasyon ng kapilya at bilang pagbibigay-galang sa pagpapanatili at pangangalaga ng kapilya na taal sa intensiyon ng mga manlilikha ng kapilya ay itinala rin ng pananaliksik na ito ang mga bilin at mungkahi ng tatlo sa mga tagapaglikha ng kapilya na nagbahagi ng kanilang mga rekomendasyon.

Ang mga metodong ginamit sa pagsasakatuparan ng mga datos na itinala ng pananaliksik na ito ay kumbinasyon ng archival research, visual documentation, retrospective interviews, online maps and hazard assessment tools, at pagsangguni sa mga dalubhasa sa larangang arkitektura.

Bunga ng natuklasan ng pananaliksik ay ang pangangailangan ng kapilya na sumailalim sa retrofitting sa pagsapit nito ng ika-25 taong anibersaryo nito. Bilang ito ay patuloy na tumatandang istraktura ay kinakailangan tutukan ang pagpapatatag sa istruktura kasabay ng panahon mula sa mga likas na banta, lalo na sa mga lindol. Inirerekomenda rin mula sa natuklasan sa pananaliksik na kailangan paglaanan ng oras at pondo ang regular na maintenance, pest control, at pagpapanatili sa kalinisan at kaayusan ng kapilya, partikular na dahil sa exposure nito sa mga elemento bunga ng pagiging open-air nito at ang posibilidad na pamugaran ng anay ang mga bahaging kahoy ng kapilya.

Mga susing salita: archival research, visual documentation, DRRM, oral history, Future Heritage, conservation, Chapel of Our Lady of the Magnificat, Marist, Marist School, Marikina

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

ix, 366 leaves

Keywords

Marist School (Marikina, Philippines); Our Lady of the Magnificat Chapel--History

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

12-19-2022

Share

COinS