Walang buntot ang mga Mangyan: Kabang-yaman ng kultura, buhay, at gawain ng buhid at Hanunuo Mangyan

Date of Publication

4-2024

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Communication Arts

Subject Categories

Indigenous Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Communication

Thesis Advisor

Jimmy A. Domingo

Defense Panel Chair

Gerardo A. Mariano

Defense Panel Member

Winston J. Baltasar
Jermaine Pearl Samaniego

Abstract/Summary

Ang photo essay na ito ay pinamagatang, "Walang Buntot ang mga Mangyan: Kabang-yaman ng Kultura, Buhay, at Gawain ng Buhid at Hanunuo Mangyan" na naglalayong maipakita ang makulay at mayamang kultura ng mga Mangyan na taliwas sa mga maling akala tungkol sa kanila at sa kanilang kultura. Nakatuon ito sa mga konsepto ng mga etnolinggwistikong pangkat kaugnay ng usapin ng pag-aaglahi (Indigenous Peoples at Racial Discrimination).

Layunin ng proyektong itaas ang kamalayan tungkol sa mga Mangyan at ang mga pangkat nito, ipakilala ang kultura sa pangkalahatang madla sa pamamagitan ng nakahihikayat na paraan, at basagin ang mga pagkakakilanlang (stereotype) patuloy na ikinakapit at natatanggap ng mga etnolinggwistikong pangkat. Ang proyektong ito ay tutuon lamang sa dalawa sa walong pangkat ng mga Mangyan – ang Buhid at Hanunuo ng Occidental Mindoro bilang paksa ng sanaysay.

Ang photo essay ay isinagawa sa pamamagitan ng realismong pamamaraan upang tunay na maipakita ang kultura ng mga Buhid at Hanunuo Mangyan sa kung ano talaga ang angking katangian ng mga ito. Ang kamera naman na ginamit sa pagkuha ng mga larawan ay digital.

Ito ay ililimbag bilang isang aklat upang lubos na maipalaganap ang mensahe, at dalawampu rin sa mga larawang ito ay ieeksibit sa lokal na museo sa San Jose, Occidental Mindoro.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Keywords

Mangyan (Philippine people); Hanunóo (Philippine people); Indigenous peoples--Philippines

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-9-2024

This document is currently not available here.

Share

COinS