Mungkahing akademikong plano ng programang special Filipino 1 para sa mga banyaga sa pagkatuto ng Filipino bilang pangalawang wika sa St. Scholastica's College-Manila sang-ayon sa programang outcome based education
Date of Publication
7-2019
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Curriculum and Instruction | First and Second Language Acquisition
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Lakangiting C. Garcia
Defense Panel Chair
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Member
Josefina C. Mangahis
Dolores R. Taylan
Abstract/Summary
Nakatuon ang masteradong tesis na ito sa pagbuo ng isang mungkahing akademikong plano laan para sa mga banyagang mag-aaral sa mataas na paaralan na may pagnanais na matutuhan ang ating wikang pambansa, ang Filipino bilang kanilang pangalawang wika.
Sa pagtutungo ng mga banyagang mag-aaral sa bansang Pilipinas, kinakailangang matutuhan nilang umagapay sa pamumuhay rito sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika, panitikan, at kulturang Pilipino nang sa gayo’y makatulong ito sa kanila sa pang-araw-araw na gawain lalo’t higit sa akademikong seting. Mayroong umiiral na programang tinatawag na Special Filipino sa St. Scholastica’s College-Manila, kung saan nagtatrabaho ang mananaliksik. Ang mga banyagang mag-aaral ay maaaring sumailalim sa nabanggit na programa sa loob ng dalawang taon at ituturing bilang bridging course kung saan pagkatapos ng dalawang tao’y ibibilang o isasama na sila sa regular na klase ng asignaturang Filipino kasama na ang mga Pilipino nilang kaklase at pag-aaralan ang mga paksang nakatalaga para sa mga mag-aaral na ang unang wika’y Filipino.
Sa ilang panayam sa mga banyagang mag-aaral na sumailalim sa programang ito, nabanggit nila ang stress, takot, at kawalan ng pag-asang dulot sa kanilang damdamin sa tuwing sila’y papasok sa regular na klase sa Filipino sapagkat hindi nila lubos na maunawaan ang paksang kanilang pinag-aaralan. Nararamdaman at itinuturing din nilang isang suliranin ang asignaturang Filipino na kailanma’y di nila mauunawaan.
Sa ganitong kadahilanan umusbong ang kagustuhan ng mananaliksik na bumuo ng isang materyal panturo na makatutulong sa mga banyagang mag-aaral upang lubos na maunawaan ang Filipino bilang wika at bilang isang disiplina gamit ang kanilang mga paunang kaalaman gayundin para sa mga guro nang sa gayo’y lumawak ang kanilang kaalaman sa pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika na isang pamamaraan para sa minimithing intelektwalisasyon.
Sinuri ng mananaliksik ang kalakasan at kahinaan ng umiiral na Programang Special Filipino sa paglalayong makabuo ng isang mungkahing akademikong plano sa lapit na Constructivist, simulain ng Outcome Based Education, at ng World Language Content Standards na mayroong matibay na batayang pananaliksik upang kalauna’y maaaring maituring bilang isa sa mga flagship program ng paaralan at higit na makatulong sa mga banyagang mag-aaral sa kanilang anim na taong pananatili sa mataas na paaralan.
Napag-alaman sa pag-aaral na ito na higit na naging komportable ang mga banyagang mag-aaral sa lapit na constructivist kung saan maitatanghal nila ang kanilang paunang kaalaman bilang batayan ng isang bagong pag-aaral. Bagaman may pagbabago ng paradimang naganap sa paraan ng pagtuturo, nabibigyan sila ng kalayaan na tumuklas ng kasagutan para sa kanilang mga katanungan. Sa paraang ito, higit silang nagiging responsable para sa kanilang sariling pagkatuto lalo’t bahagi nito ang kolaborasyon sa kanilang mga kapwa banyaga.
Sa ganitong pamamaraan ng pagtuturo, masasabing unti-unting nawawala ang kanilang mga negatibong emosyon sa asignaturang Filipino at higit na nagkakaroon ng masaya, ligtas, at tuloy-tuloy na pagkatuto ng pangalawang wika.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG008173
Keywords
Filipino language—Study and teaching--Foreign speakers; Second language acquisition; Competency-based education
Upload Full Text
wf_no
Recommended Citation
Romero, C. M. (2019). Mungkahing akademikong plano ng programang special Filipino 1 para sa mga banyaga sa pagkatuto ng Filipino bilang pangalawang wika sa St. Scholastica's College-Manila sang-ayon sa programang outcome based education. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/7109
Embargo Period
2-10-2025