Perspektiba at pananaw ng mga Cebuano at Davaeño mula henerasyong X at Z sa Wikang Cebuano, Filipino, at Ingles

Date of Publication

11-2019

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Language Interpretation and Translation

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Feorillo Petronilo A. Demeterio, III

Defense Panel Chair

David Michael M. San Juan

Defense Panel Member

Raquel E. Sison-Buban
John Iremil Teodoro

Abstract/Summary

Makasaysayan ang pagtunggali ng mga Cebuano sa Filipino bilang wikang pambansa dahil simula 1936 ay nagpapatuloy pa rin ito sa kasalukuyan. Para sa mga iskolar ng wikang Cebuano, imposisyon sa kanila ang pagturing sa Filipino bilang wikang pambansa. Taliwas naman ang nangyayari sa lungsod ng Davao, na siya ring pangunahing pinamamahayan ng mga Cebuanong settler. Nagkaroon ng ugnayang interkultural ang kalakhang populasyon ng mga Cebuano at ang minoryang mga Tagalog sa Davao. Umusbong mula rito ang isang hybrid language o wika kung saan magkahalo ang Cebuano at Tagalog. Katulad ng wikang Filipino, nakabatay sa istruktura ng wikang Tagalog ang Davao Filipino. Upang mapaunlad ang komunikasiyon sa kalakhang populasiyon ng mga Cebuano sa Davao, dinagdagan ng mga Tagalog ng mga salitang Cebuano ang kanilang mga sinasabi. Sa pagdaan ng panahon, nakasanayan ng parehong grupo ang ganitong paraan ng pananalita. Dahil sa natatanging sitwasyong pangwika ng bawat lungsod, pinaghambing ng pag-aaral na ito ang katatasan, aktuwal na paggamit, at pananaw sa wika ng mga katugon mula sa mga henerasyong X (1965-1979) at Z (1995- 1999).Tinugunan ng pananaliksik ang pangkalahatang suliranin na: Anu-ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng paggamit at pagsuporta ng mga Cebuano at Davaoeño na kabilang sa Henerasyong X at Z sa mga wikang Filipino, Cebuano, at Ingles? Gumamit ng magkahalong metodo sa pananaliksik ang pag-aaral na ito upang impirikal na maipaliwanag ang mga datos at tugon ng mga katugon sa sulirianin. Nakabatay naman sa teorya ng akomodasyon sa komunikasyon ni Howard Giles ang katwiran sa pagkakaiba at pagkakapareho ng paggamit at pagsuporta ng mga katugon sa mga wikang sakop ng pag-aaral. Napag-alaman ng tesis na mas matatas ang ang nakatatandang henerasyon sa wikang Cebuano, at sa Filipino naman ang nakababatang henerasyon. Madalas na gumagamit ng Cebuano ang parehong henerasyon sa pang-arawaraw na komunikasyon. Wikang Ingles naman ang kanilang ginagamit para sa pormal na komunikasyon. Sa kabuuan, sumusuporta naman ang mga katugon sa pananatili ng Filipino bilang wikang pambansa, maliban sa Cebu X na nagnanais na palitan ito ng wikang Cebuano. Ipinahayag ng mga katugon na, mula sa kanilang mga karanasan sa paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng bansa at mundo, wikang Filipino ang nagbubuklod-buklod sa mga Pilipinong nagsasalita ng magkakaibang wika. Taliwas ang resultang ito sa pag-aaral nina Espritu (1999, mula kay Tupas 2014) at pahayag ni Alburo (2014) na hindi itinuturing ng mga Cebuano ang Filipino bilang wikang pambansa.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG008098

Physical Description

1 computer optical disc, 4 3/4 in.

Keywords

Linguistic change—Philippines—Davao; Cebuano language—Variation; Filipino language—Variation; English language—Variation—Philippines—Davao

Embargo Period

5-30-2024

This document is currently not available here.

Share

COinS