Mga tinig at titig mula sa ibaba: Isang pagsusuri sa Bayan mo, i-patrol mo
Date of Publication
5-2014
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in Philippine Studies
Subject Categories
South and Southeast Asian Languages and Societies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rhoderick V.Nuncio
Defense Panel Chair
Fanny A. Garcia
Defense Panel Member
Dexter B. Cayanes
Rowell D. Madula
Abstract/Summary
Kasabay ng nagbabagong panahon at umuunlad na teknolohiya ang pagusbong ng iba’t ibang kagamitan na nakapagpapadali sa gawain ng halos lahat sa atin. Kabilang na rito ang pamamahayag kung saan sa mga nakalipas na taon ay maraming ipinagbago, sanhi ng mga makabagong kagamitan tulad ng kompyuter, internet, at smartphones. Sa pamamagitan ng mga nabanggit na kagamitan ay isinilang ang citizen journalism na tinalakay sa pag-aaral na ito. Binibigyang-kahulugan ang citizen journalism bilang pamamahayag kung saan sa halip na sa mga propesyonal na mamamahayag manggaling ang ulat ay sa mga ordinaryong tao ito nagmumula. Partikular na tinalakay sa pag-aaral na ito ang Bayan Mo, iPatrol Mo (BMPM) ng ABS-CBN. Sinuri sa pag-aaral ang mga larawan at video na ipinadala sa BMPM website sa taong 2013. Inuri ang mga ito ayon sa tema at isa-isang binusisi ang mensahe sa likod ng bawat materyal. Ang pag-aaral ay umiinog sa usapin ng kapangyarihan sa pagitan ng mga Patroller, o ng mga mamamayan na nagpapadala ng materyal sa BMPM at sa mismong BMPM. Tinukoy sa pag-aaral ang mensaheng ipinababatid hindi lamang ng disiplina ng citizen journalism kundi pati na rin ng mga ulat mula sa mga mamamayan. Magsisilbing gabay ang pag-aaral na ito sa pag-unawa sa citizen journalism sa BMPM at sa implikasyon nito sa ating lipunan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG005517
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy, Sr. Hall
Keywords
Citizen journalism—Philippines; Bayan mo, iPatrol mo (Television program)
Upload Full Text
wf_no
Recommended Citation
Lubang, D. T. (2014). Mga tinig at titig mula sa ibaba: Isang pagsusuri sa Bayan mo, i-patrol mo. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/6885
Embargo Period
7-17-2023