Ugnayan at pakikilahok: Tungo sa pulitikal na pagsasalipunan ng kabataang Pilipino

Date of Publication

3-2007

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Science in Psychology Major in Social and Cultural Psychology

Subject Categories

Social and Behavioral Sciences

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Thesis Adviser

Madelene A. Sta. Maria

Abstract/Summary

Ang kasalukuyang pananaliksik ay nakatuon sa mga teorya at pag-aaral na nakatuon sa pag-unlad ng kabataan. Sa kontekstong Pilipino, nakaugat sa kasaysayan at ilang pag-aaral ang pagsusulong ng ilang kabataan sa pagkakapantay-pantay at pagiging isa sa masa. Batay sa mga ito, sinuri sa kasalukuyang pag-aaral ang kalikasan ng pulitikal na pagsasalipunan ng kabataang Pilipino sa aktibistang grupo. Anim na malalimang panayam ang isinagawa kung saan tatlo ang lalaki at tatlo rin ang abbae. Nasa edad 17-20 ang mga kalahok at pinili gamit ang binuong batayan. Lahat ng mga kalahok ay mag-aaral ng Polyteknikong Pamantasan ng Pilipinas, kilalang pamantasan sa lungsod Maynila kung saan laganap ang aktibismo ng mga mag-aaral. May oryentasyong etnograpikal ang pag-aaral, kaya lumubog muna ang mananaliksik sa konteksto bago isinagawa ang mga panayam. Kinuha ang pagsang-ayon ng lahat na kalahok upang magamit ang voice recorder sa bawat panayam. Isinateksto ang mga panayam ang sinuri para alamin ang mga tema. Lumitaw na kategorya ng bawat temang nakalap ang mga sumusunod (1) pagpasok sa grupo (2) paglalim ng kamulatan (3) pagbabago ng sarili, at (4) pagiging ganap ang pulitikal na pagkilos. Nakabuo ng bagong modelo ng pulitikal na pagsasalipunan mula sa mga kategorya at kaukulang tema ng mga ito. Pinapalagay na may implikasyon ang bagong modelo sa pulitikal na kalinangan ng Bansa at kabuuang pag-unlad ng kabataang Pilipino.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG004160

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Keywords

Youth—Philippines—Psychology; Youth—Political activity—Philippines

Upload Full Text

wf_no

Embargo Period

9-9-2023

This document is currently not available here.

Share

COinS