Date of Publication

8-2008

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Science in Psychology Major in Social and Cultural Psychology

Subject Categories

Social Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Thesis Adviser

Madelene A. Sta. Maria

Defense Panel Chair

Roberto M. Mendoza

Defense Panel Member

Ma. Angeles G. Lapeña
Zeus A. Salazar

Abstract/Summary

Ang kasalukuyang pananaliksik ay nakatuon sa mga teorya at pag-aaral ukol sa pakikipag-ugnay ng mga grupo sa isa’t-isa. Ang kasalukuyang pag-aaral ay tumuon sa kalikasan ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang ka-komunidad na Kristiyano sa lungsod ng Batangas. Tatlong na malalimang panayam ang isinagawa, na kung saan apat ang kabuuan na mga naging tagapagbatid (edad 16-59; 2 babae at 2 lalaki). Bukod at bago pa magsagawa ng mga malalimang panayam, nagsagawa ang mananaliksik ng nakikiugaling pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan sa ilan pang mga miyembro ng komunidad na Muslim sa lungsod ng Batangas. Dahil ginamit ang estilong etnograpikal, ang mga karagdagang pamamaraan ay isinagawa upang mas maunawaan ang kalikasan ng pakikipag-ugnay at pati na rin para maunawaan ang konteksto ng mga Muslim sa lungsod ng Batangas. Mula sa mga datos ay lumitaw ang pitong kategorya, a.) Panlipunang Identidad, b.) Mga Kadahilanan ng Pakikipag-ugnay ng mga Muslim, c.) Mga Uri ng Pakikipag-ugnayan (Pakikipag-ugnayan), d.) Mga Gawain na nagpapatatag sa Ugnayan , e.) Balakid sa Pakikipag-ugnayan , at f.) Paraan para sa Pagre-Resolba ng mga Alitan. Mula dito ay nakabuo ng isang modelo na magbibigay larawan sa kalikasan ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang ka-komunidad na Kristiyano

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG004422

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

iv, 118 leaves

Keywords

Muslims—Philippines—Batangas—Psychology; Islam—Relations—Christianity

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-3-2022

Share

COinS