Date of Publication
3-2019
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
David Michael M. San Juan
Defense Panel Member
Raquel E. Sison-Buban
Dolores R. Taylan
Ernesto V. Carandang, II
Abstract/Summary
Sa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang urbanisasyon sa Pilipinas dahil sa paglago ng populasyon sa kalunsuran. Ang maralitang tagalungsod ay natitipon sa 600 komunidad na slums at iskwater sa buong bansa at sila ay nakararanas ng di-makataong kalagayan sa pamumuhay. Kalakhan ng informal settlers ay nagtatayo ng kanilang mga tahanan sa nakatiwangwang na lupa ng gobyerno habang ang iba naman ay nagtatayo ng mga bahay sa mga imprastraktura katulad ng ilalim ng tulay, mga highway, at sa mapapanganib na lugar katulad ng estero, riles ng tren at ilog, at sa mga pribadong lupain. Sa panahong kailangan na ng gobyerno ang mga lupang iligal na tinitirhan ng mga maralita dahil sa mga debelopment katulad ng pagtatayo ng mga pabrika, irigasyon, LRT, MRT, mga tulay, highway, power generation at iba pang imprastraktura, gayundin ang pagpapatayo ng mga ospital, paaralan at airport, kinakailangan na nilang umalis. Ito ang tinatawag na involuntary displacement. Sapilitan silang pinapaalis sa kanilang tinitirahan dahil kailangang pagtayuan ang lupa ng mga imprastuktura na makakatulong sa mas nakararaming mamamayan (Cernea, 2004: 6). Sa paghahanap ng malilipatan ng mga involuntary displaced, isa sa napiling lugar ng gobyerno ang Bulacan bilang bagong tirahan ng mga involuntary displaced. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang mga banta na naidudulot ng pagiging involuntary displaced sa San Jose del Monte City, Bulacan ayon sa modelong Impoverishment Risks and Reconstruction o IRR ni Michael Cernea; maunawaan ang mga kalagayan at karanasan nila bilang mga involuntary displaced; kung paano nila hinaharap ang kanilang kalagayan bilang mga involuntary displaced at kung paano nila ito hinaharap; at kung paano tinugunan o tinutugunan ng pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan. Nagmula ang datos sa pagsasagawa ng Focus Group Discussions sa 28 na magulang na nagmula sa tatlong resettlement site sa San Jose Del Monte City (ang Towerville 6 Brgy. Gaya-gaya; Towerville Brgy. Minuyan; at Pabahay 2000 Brgy. Muzon.), pagsasagawa ng Thematic Analysis, pakikipanayam sa Local Government Unit (LGU) at National Housing Authority (NHA), at paglalapat ng modelong IRR ni Cernea sa karanasan ng mga kinapanayam. Lumabas sa pag-aaral na may “karahasan” silang naranasan bago at pagkatapos nilang ilipat sa San Jose del Monte City dahil hindi kaagad natugunan ng pamahalaan ang pangangailangan nilang mga pangunahing serbisyong panlipunan. Samantala, nakaranas sila ng kaunting “pagkandili” dahil sa tulong ng iba’t ibang institusyon at organisasyon. Bilang kongklusyon, masasabing nakapag-ukit ng espasyo ang mga involuntary displaced ng San Jose del Monte City ngunit hindi lubusan dahil marami pa silang isyung kinakaharap at mga suliraning kailangang lutasin.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG008016
Keywords
Internally displaced persons—Philippines—San Jose del Monte City (Bulacan)—Social conditions
Upload Full Text
wf_yes
Recommended Citation
Orozco, N. G. (2019). Dahas at kandili: Pag-uukit ng espasyo para sa mga involuntary displaced sa San Jose del Monte City, Bulacan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/6563
Embargo Period
2-8-2023