Date of Publication

7-9-2011

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Arts in Philippine Studies

Subject Categories

Other Education

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Feorillo Petronilo A. Demeterio, III

Defense Panel Chair

Lakangiting C. Garcia

Defense Panel Member

Aurora E. Batnag
Dolores R. Taylan

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang, “Isang Pagsusuri sa Edukasyong Di Pormal ng mga Katutubong Agta sa General Nakar, Quezon gamit ang SWOT Analisis” ay naglayong mataya ang kalagayan ng Edukasyong Di Pormal ng mga Katutubong Agta sa Sentrong Paaralan ng mga Agta sang-ayon sa kalakasan, kahinaan, oportunidad at banta sa (1) aspektong kultural, (2) aspektong pedagohikal (3) aspekto ng kaguruan at (4) aspektong ekonomikal ng nasabing paaralan. Gamit ang SWOT Analisis bilang teoritikal na balangkas, ang maka-Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik gaya ng pagdalaw-dalaw, pagtatanongtanong at pagmamasid-masid at purposive sampling bilang teknik sa pagpili ng kalahok ay nabatid ng mananaliksik ang kalakasan, kahinaan, oportunidad at banta ng nasabing paaralan. Sa kabuuan, napapalakas ng programang ito ang pagpapanatili sa kultura ng mga Agta, samantala, ang kakulangan ng mga babasahing pampanitikan at updated instructional material, kakulangan ng mga pagsasanay at seminar ng mga

Tagapagpadaloy, kawalan ng teknolohiya sa paaralan at kakulangan

ng sapat na pondo para masuplayan ang mga pangangailangan ng paaralan, ang ilang kahinaang taglay ng Sentrong Paaralan ng mga Agta na dapat pagtuunan ng pansin. Samantala, ang tulong mula sa mga mamamayan, lokal na pamahalaan, pribadong kompanya at organisasyon ay malaking oportunidad upang malabanan at masolusyunan ang kahinaang taglay ng paaralan. Samantala, ang banta ng akreditasyon ng Departamento ng Edukasyon at ang posibilidad na itigil ang suportang pinansyal mula sa Swiss Catholic Lenten Fund ang dalawang malaking banta para matigil ang programa.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG004981

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer disc, 4 3/4 in.

Keywords

Aeta (Philippine people)—Education—Philippines—Quezon Province; Non-formal education—Philippines—Quezon Province

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

5-11-2022

Share

COinS