Date of Publication
2019
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Language Interpretation and Translation | Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
David Michael M. San Juan
Dolores R. Taylan
Abstract/Summary
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makapagsalin ng mga maikling kwentong Koreano na maaring gamiting babasahing pampanitikan ng mga mag-aaral na nasa baitang -9 sa Pilipinas sa ilalim ng tinatawag na K-12 Curriculum. Ang mga Maikling Kwentong Koreano na naisinalin ay ang “The Rock” , “The Three Sons” at “Magpie’s Cry”. Ang mga akdang ito ay may malaking pagkakatulad sa kultura at paniniwala ng mga Pilipino na makatutulong sa pagtukoy at pagkilala ng mga mag-aaral sa magkakahawig na isyung panlipunan at mga pagpapahalaga na magagamit sa pagtalakay ng aralin sa Baitang 9. Isinagawa ang pagsasalin sa tulong ng metodong tumbas ni Mona Baker gamit ang Ingles bilang tulay na wika. Upang maging epektibo ang pagsasalin ay lumikha ng mga halimbawang banghay-aralin ang mananliksik gamit ang metodong 4a’s. Naging tuon sa banghay-aralin ang pag-aaral at pagsusuri sa mga isinaling maikling kwento mula sa Kulturang Koreano na may pagsasaalang-alang sa Kulturang Pilipino. Sa pagtatapos ng pagnanaliksik napatunayan na ang pagsasalin ay dapat manatiling aktibo, napapanahon at suportado ng edukasyon sapagkat isa itong susi upang mapalawak ng mga mag-aaral ang kanilang pakikisalamuha, pakikipagkapwa at pakikipamuhay sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral ng mga akdang galing sa Asia at iba pang panig ng mundo.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
212 leaves
Keywords
Short stories, Korean; Teaching—Aids and devices; Kim, Yun-an, 1562-1620; Short stories, Korean--Translations into Filipino
Upload Full Text
wf_yes
Recommended Citation
Gomez, L. C. (2019). Pagsasalin ng tatlong maikling kwentong Koreano ni Kim Tongni bilang materyal panturo para sa baitang 9 gamit ang teorya ng pagtutumbas ni Mona Baker. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5909
Embargo Period
4-7-2022