Date of Publication

9-2020

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures | Social Media

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Chair

Raquel Sison-Buban

Defense Panel Member

Rowell D. Madula
Dexter B. Cayanes

Abstract/Summary

Bunsod ng malaking gampanin ng teknolohiya sa komunikasyon at pakikipag- ugnayan ng mga tao sa kasalukuyan, higit na nakilala ang larangan ng video- blogging o vlogging bilang isa sa mga mabisang paraan ng pagpapahayag ng opinyon, saloobin at ng mismong sarili gayon din ng pagbibigay at pagpapalaganap ng impluwensiya sa iba kasabay ng bentahe ng patuloy na pagkita. Halos hindi na rin mabilang ang mga Pilipinong tumatangkilik, sumisikat, kinikilala at gumagawa ng sari- sariling pangalan sa larangan ng vlogging sa iba’t ibang anyo at paraan. Ngunit higit na nakatawag-pansin sa mananaliksik ang unti- unti na ring pagdami ng mga artista na lumilikha ng kani- kanilang Youtube Channels bilang hudyat ng pagpasok at pagtangkilik nila sa vlogging tulad ni Alex Gonzaga may higit anim na milyong subscribers, sa kasalukuyang panahong isinusulat ang pananaliksik.
Nilalayon ng pananaliksik na alamin, kilalanin at suriin ang Backstage at Vlogstage na pagtatanghal ng sarili ni Alex Gozaga sa larangan ng Celebrity Social Media Influencing bilang isang Celebrity-turned-vlogger gamit ang 12 piling vlogs ni Alex bilang pangunahing instrumento ng pag-aaral. Nilayon din ng pag-aaral na tukuyin ang sumusunod: a) paagtatanghal ni Alex Gonzaga bilang isang Celebrity Turned Vlogger, b) paglalarawan sa Vlogstage ni Alex Gonzaga bilang isang celebrity-turned-vlogger at, c) ugnayan ng diskurso ng pagtatanghal ng sarili ni Alex Gonzaga sa larangan ng Celebrity Social Media Influencing sa diskuro ng institusyong panlipunan, showbiz at negosyo. Ang mga salik na nabanggit ang nagbubunsod sa pagkakabuo ng iba’t ibang pagtatanghal ng sarili ni Alex bilang mukha ng Celebrity Social Media Influencing.
Ginamit na ang konsepto ni Irving Goffman ng Presentation of the Self at Critical Discourse Analysis ni Norman Fairclough bilang lente ng pagsusuri sa mga datos at impormasyong tungkol kay Alex Gonzaga at sa kanyang piling vlogs.
Sa kabuuan, natukoy ng mananaliksik ang iba’t ibang pagtatanghal ni Alex Gonzaga sa kaniyang Backstage na may kinalaman sa kaniyang pagiging isang ordinaryong mamamayan at pagiging artista at sa kaniyang Vlogstage na tumutukoy sa pagtatanghal na masasalamin sa kaniyang vlogs. Buhat sa mga pagtatanghal na ito, natukoy din ang naging ugnayan ni Alex sa diskurso ng institusyong panlipunan, Showbiz at Negosyo.

Mga Susing Salita: pagtatanghal ng sarili, vlogging, critical discourse analysis, celebrity social media influencing, celebrity-turned- vlogger

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Physical Description

202 leaves

Keywords

Social media—Influence; Video blogs; Critical discourse analysis; Gonzaga, Alex

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

4-6-2022

Share

COinS