Date of Publication
9-2020
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Chair
Raquel Sison-Buban
Defense Panel Member
Rowell D. Madula
Dexter B. Cayanes
Abstract/Summary
Ang bayan ng Rosario sa Cavite katulad rin ng ibang bayan sa bansa ay mayroon ring ipinagmamalaking mga produkto. Isa ang Tinapang Salinas sa pangunahing produkto na mula sa mga taga-Rosario at mayroong nabubuhay na industriya sa kasalukuyan. Ang mga produktong ito tulad ng Tinapang Salinas ay maaring ituring na pamanang kultural ng bayan ng Rosario sa kontempoararyong panahon. Samantalang ang mga taong nasa likod ng mayaman na produksyon nito ay maaring tingnan bilang tagapag-ingat ng nasabing pamanang kultural at may mahalagang papel pagdalumat ng bayan ng Rosario. Upang higit na maunawaan ang Tinapang Salinas bilang pamanang kultural, minainam na dalumatin ang produksyon at paggawa ng tinapa upang matuklasan ang mga terminolohiya na sumasakop sa domeyn na ito ng tapahan na siyang magbibigay-diin naman sa Tinapang Salinas sa papel nito sa pagkakabuo ng varayti ng wika ng grupo ng magtitinapa sa nasabing domeyn. Ginalugad ang kontribusyon ng Tinapang Salinas at ng industriya nito bilang kinatawan sa pagpapanatiling buhay sa wika, kultura at kaunlaran ng Bayan ng Rosario, Cavite bilang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito. Naging pangunahing tunguhin ng pananaliksik na ito ang pagtalima sa mga sumusunod na puntos: a.) ang pagsisinop at pagkakabuo ng mga leksikal na aytem ng pagtitinapa ayon sa konteksto ng sosyolek, b.) ang Kasaysayan at ang Kultura ng Pagtitinapa ng Bayan ng Rosario, Cavite, at c.) ang mga salik na nakaaapekto sa wika at industriya ng Domeyn ng Tapahan. Gamit ang leksikolohiya nina Hartmann (2001) at Jackson (2002), nakakalap ng pitumpu’t siyam na salita sa domeyn ng tapahan sa Barangay Ligtong, Rosario, Cavite. Ang mga salitang ito ay nagpapatunay na buhay ay wika , partikular ang sosyolek ng magtitinapa sa industriya ng tinapa. Sa huli, nakita sa pag-aaral na maraming banta at salik na maaaring magdulot ng pagkalusaw ng industriya at wika sa domeyn ng tapahan. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay nagnanais na makapagbigay ng mga rekomendasyon sa patuloy na pagpapaunlad at pagpapanatiling buhay ng industriya tinapa at lalo’t higit ng wika ng magtitinapa na na siyang sasalamin sa buhay at kaakuhan ng mga taga-Rosario, Cavite.
Mga Susing Salita: Domeyn, Globalisayon, Leksikograpiya, Magtitinapa, Sosyolek,
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
vii, 211 leaves
Keywords
Smoked fish--Philippines--Cavite City; Globalization; Lexicography; Culture--Philippines--Cavite City
Upload Full Text
wf_yes
Recommended Citation
Miranda, W. Q. (2020). Ang tinapang salinas at ang sosyolek sa domeyn ng tapahan ng Brgy. Ligtong, Rosario, Cavite. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5904
Embargo Period
4-6-2022