Date of Publication

4-2011

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino

Subject Categories

Language Interpretation and Translation

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Teresita F. Fortunmato

Defense Panel Chair

Lakangiting C. Garcia

Defense Panel Member

Aurora E. Batnag
Maria Fe E. Gannaban

Abstract/Summary

PAMAGAT: Mga Popular na Salitang Balbal sa Headlines ng Balitang Tabloid LAYUNIN: Naglalayon ang pag-aaral na ito na matukoy ang mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid. Tiyak na layunin ng pananaliksik ay matukoy ang mga popular na salitang balbal na madalas gamitin ng mga mamamahayag sa headlines na balitang tabloid gayundin ang pagpapakahulugan nito. Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat nagbubukas ito ng kamalayan sa mga mambabasa, mamamahayag, manunulat at linggwist hinggil sa katayuan o kalagayan ng salitang balbal sa kaantasan ng wika. Tinipon ng kasalukuyang mananaliksik ang labingwalong (18) arawang tabloid sa Filipino na sa kasalukuyang ay nasa sirkulasyon hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Pinili ang mga tabloid na lumabas sa loob ng dalawang buwan - Hulyo 1 hanggang Agosto 31, 2009. Sinuri ng kasalukuyang mananaliksik ang mga headline ng balitang tabloid na may salitang balbal. Ang apat na mahahalagang uri ng balita ay binigyang-pansin. Ito ang Balitang Pambansa, Balitang Krimen, Balitang Enterteynment, at Balitang Isports. Bawat uri ng balitang nabanggit ay may iba’t ibang kategoryang nilalahukan. Nakasandig ang

bilang ng kategoryang ito batay sa dalas o dami ng pangyayari na kailangan sa pagbabalita. Matapos na mabatid ang mga katangian at anyo ng salitang balbal ay dumako naman ang kasalukuyang mananaliksik sa pagkuha ng frequency o dalas ng paggamit ng bawat salitang balbal sa bawat uri ng balita at kategorya nito. Ang lahat ng mga salitang balbal na lumabas o nailathala sa tabloid ay maituturing na popular sapagkat itinuturing ito ng mga mamamahayag na kilala o pamilyar ito sa mga mambabasa. Ang lahat ng salitang balbal na pinakamataas na frequency sa bawat kategorya ay inilahok sa talatanungan para sa mga respondent ay tinatawag na mas popular. Samantalang tutukuyin din ang nag-iisang salitang balbal na itinuring na pinakapopular sapagkat nakapagtala ito ng may pinakamataas na frequency at pinakamadalas na pagbanggit o paggamit sa balitang tabloid. Bago nagsagawa ng sarbey sa mga respondent, ipina-validate muna ng kasalukuyang mananaliksik ang talatanungan. Ang mga estudyanteng nasa ikaapat na antas ng A.B. Journalism ang napiling respondent sa sarbey. Isang descriptive-normative survey ang ginamit sa pag-aaral. Ang sarbey na ito ay nagbibigay ng deskriptibong impormasyon sa demograpikong populasyon ng mga respondent. Ilan sa mga paraan ng pangangalap ng datos ay sa pamamagitan ng pagmamasid, panayam, talatanungan, pagsusuri ng mga datos, at iba pa. Ang multivariate descriptive design ang ginamit upang maipakita ang relasyon o kaugnayan ng

dalawa o higit pang variable sa isa’t isa. Ang pagkuha ng kabuuang frequency, ranking, at percentage ang ginamit sa estadistika. Matapos na maitala ang mga popular na salitang balbal sa balitang tabloid, isinaayos ito bilang glosari. Kaugnay nito, bumuo ng talahanayan ang kasalukuyang mananaliksik upang maipakita ang kasalukuyang kalagayan ng mga salitang balbal. Inilahad din ang mga isinagawang pagpapakahulugan ng mga mamamahayag et al (2009) ng tabloid at mga manunulat ng diksyunaryo na gaya nina San Miguel at Zorc (1993) at Almario (2010). Sa pagtatapos, natuklasan ng kasalukuyang mananaliksik mula sa binuong diksyunaryo nina San Miguel at Zorc (1993) ay hindi gaanong matibay ang pinagmulan o etimolohiya ng mga salitang ginamit gayundin ang mahinang estruktura ng pagkakabuo nito. Sa pagpapakahulugan naman ng mga mamamahayag et al. (2009), nagkakaroon ng maling pagpapakahulugan sa mga salitang balbal na maaaring magdulot ng kalituhan o kalabuan para sa mga mambabasa. At sa diksyunaryo naman ni Almario (2010), walang lahok na inilaan para sa mga salitang balbal na umuusisa naman sa kaantasan ng wika. Sa kasalukuyan, nangangailangan pa ng masusing pananaliksik hinggil sa kalagayan ng salitang balbal sa ating komunikasyon.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Electronic File Format

MS WORD

Accession Number

CDTG005024

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

225 leaves : illustrations ; 1 computer optical disc 4 3/4 in.

Keywords

Slang; Tabloid newspapers

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

2-24-2022

Share

COinS