Buhay, kalusugan at kamatayan: Isang kasaysayan ng Cementerio General de La Loma, 1864-1889

Date of Publication

2017

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Arts in History

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

History

Thesis Adviser

Jose Rhommel B. Hernandez

Defense Panel Chair

Lars Raymund C. Ubaldo

Defense Panel Member

Fernando A. Santiago, Jr.
Jose Victor Z. Torres
Julio C. Teehankee

Abstract/Summary

Ang mga konsepto ng buhay, kalusugan at kamatayan ay mabisang pananda ng kalakasan ng lipunang Pilipino. Ang bawat rehiyon sa Pilipinas ay mayroong sariling konteksto at pagpapakahulugan sa bawat konsepto na naging gabay sa pagbuo ng mga ritwal at kultura lalo na sa aspeto ng paglilibing sa mga Pilipino. Sa pagpasok ng mga Espanyol sa Pilipinas, ipinakilala nito ang bagong interpretasyon ng paglilibing batay sa paniniwalang Kristiyano at paggamit ng mga sementeryo bilang espasyo ng mga yumao. Ang mga ipinatayong Cementerio General, partikular ang Cementerio General de La Loma ay repleksyon ng tuwirang pagbago ng mga Espanyol sa paniniwalang Pilipino sa buhay, kalusugan at kamatayan noong ikalabing siyam na dantaon. Ang kasaysayan ng Cementerio General de La Loma ay magsisilbing palatandaan ng mayabong na paniniwala at pakikipagtunggali ng mga Pilipino na ipagpatuloy ang kultura at paniniwala sa huling hantungan noong panahon ng mga Espanyol. Ang paniniwala ng mga Pilipino sa kahalagahan ng buhay, kalusugan at kamatayan ang mag-uugnay sa buong kasaysayan ng Cementerio General de La Loma na magbibigay muli ng kahulugan at konteksto nito sa lipunang Pilipino noong panahon ng mga Espanyol.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG007088

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer disc ; 4 3/4 in.

Keywords

Cemeteries--Philippines; Philippines--History; Cementerio General de La Loma; 1864-1889

This document is currently not available here.

Share

COinS