Kuwentong butsero: Limang kuwento ng karahasan
Date of Publication
2017
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Fine Arts in Creative Writing
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Literature
Thesis Adviser
Genevieve L. Asenjo
Defense Panel Chair
John Iremil E. Teodoro
Defense Panel Member
Chuchberry Pascual
Clarissa V. Militante
Jazmin B. Llana
Abstract/Summary
Ang kuwento ay sumasalamin sa buhay ng tao. Hindi maiiwasan na ang isang tao kahit ano man ang kaniyang kasarian, antas ng pamumuhay, tinapos na pag-aaral, atbp. ay maging biktima ng karahasan. Maraming akda, na mababasa rin sa mga maikling kuwento sa Filipino, ang may paksa ukol sa karahasan.
Subalit, kailangan pa ba na magpatuloy ang isang kuwentista na magsulat ng mga maikling kuwento na may eksenang karahasan? Ano ang papel nito gayong sa kasalukuyang panahon, hindi na maipipikit ng isang tao ang kaniyang mga mata sa eksena ng karahasan?
Sa ngayon, nababasa ang karahasan sa diyaryo at tabloid, naririnig sa radyo at napapanood sa telebisyon at pelikula. Sa pagkakaroon ng social media, mas lalong lantad ang karahasan dahil mismong tao (mga gumagamit ng social media) ang siyang nagpapakalat ng mga kuwento, retrato o video ng karahasan. Ano ngayon ang pinagkaiba ng dyornalismo sa panitikan?
Layon ng koleksiyong Kuwentong Butsero, sa pamamagitan ng limang maikling kuwento, na magpakita ng mga eksena ng karahasang sumasalamin sa totoong upang ipakita o iparamdam sa mambabasa ang tunay na gampanin ng karahasan sa panitikan, na iba sa gampanin ng dyornalismo o media.
Mababasa rito kung paano naitutulak ang isang tao na gumawa ng karahasan dahil sa poot, kasakiman o banidad. Subalit, kung ano man ang konklusyon o madadama ng mambabasa sa bawat kuwento ay nakasalalay na sa kaniyang panimbang at paghusga, at kaniyang opinyon at pandama kung pag-uusapan ang karahasan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG007775
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer disc ; 4 3/4 in.
Keywords
Short stories; Tagalog; Tagalog fiction
Recommended Citation
Chua, J. L. (2017). Kuwentong butsero: Limang kuwento ng karahasan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5670