Piling-kwentong-buhay ng mga maggagawang endo sa sektor ng fast food batay sa padron ni Oscar Lewis

Date of Publication

2016

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Raquel E. Sison-Buban

Defense Panel Member

Lars Raymund C. Ubaldo
David Michael M. San Juan
Julio C. Teehankee

Abstract/Summary

Ang sistemang ENDO ay bahagi ng isang malaki at lalong lumalalang suliraning panlipunan (ang pagsasamantala sa mga manggagawa at pagkakamal ng tubo ng mga kapitalista, alinsunod sa mga kaisipan nina Marx at Bourdieu), hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa buong mundo. Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na ilarawan at bigyang-buhay ang kwento ng mga manggagawang ENDO na malimit naikukubli sa estadistika at payak na tala. Binigyang-kasagutan ng pananaliksik ang mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1) Ano ang kontemporaryong kalagayan ng sistemang ENDO sa Pilipinas?; 2) Anu-anong porma ng inseguridad ang dinaranas ng mga manggagawang ENDO sa sektor ng fast food at paano naapektuhan ng mga nasabing inseguridad ang kanilang pamumuhay (usaping pinansyal, buhay-pamilya, buhay-pag-ibig, pakikipagkaibigan sa loob at labas ng trabaho)?; at 3) Paano hinuhubog ng mga nasabing inseguridad ang kanilang identidad at kamalayan? Piniling maging pokus ng mananaliksik ang kwentong-buhay ng sampung trabahador sa dalawang pinakamalalaking fast food chains sa Pilipinas Jollibee at McDonalds na pawang 16-25 taong gulang at taga-Bulacan. Ang mga kwentong-buhay ay isinulat batay sa padrong nilikha ni Oscar Lewis.

Batay sa isinagawang pananaliksik, malawak na ang saklaw ng ENDO ngayon sa bansa, di lamang sa sektor ng fast food kundi maging sa ibang sektor gaya ng hotel, edukasyon at iba pa. Sinasalamin ng mga binuong kwentong-buhay batay sa mga salaysay ng mga manggagawang kontraktwal ang ibat ibang inseguridad na kanilang dinaranas sa kani-kanilang buhay-pamilya, buhay-lipunan at buhay-pag-ibig. Sa pangkalahatan, nalantad sa mga kwentong-buhay ang kawalan ng sapat na panahon at kakayahan ng mga manggagawa upang alagaan ang kanilang mga sarili at huwag magkasakit, kawalan ng sapat na panahon para sa kanilang pamilya at mga kaibigan, at kawalan ng panahon para sa pakikisangkot sa isyung panlipunan. Halos sa trabaho na lamang umiikot ang kani-kanilang buhay. Sa kabila nito, ang ilan sa kanila ay nangangarap pa rin na makaligtas sa buhay-ENDO, makapagtapos ng pag-aaral, at makaahon sa hirap kasama ng kanilang pamilya. Nangangarap man silang kumawala sa sistemang ENDO, malinaw rin sa kanila ang pagpapahayag at pananawagan para sa mga kagyat na reporma na makapagpapabuti sa buhay ng mga manggagawa, at maging sa pagpapahayag ng paninindigan na ang pagbabagong panlipunan ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagsasama-sama at hindi sa pamamagitan ng pagkakanya-kanya. Tila tanggap na ng mga manggagawa na hindi ito magaganap sa loob ng realm ng ENDO, maliban na lamang kung sila na mismo ang lumayas dito para humanap ng ibang trabaho, o pagsama-samahin ang kanilang mga maliliit na hinaing at reklamo upang maging isang malakas na kilusang mananawagan ng reporma at makabuluhang pagbabago tungo sa isang mas makatwiran at mas makatarungang daigdig na pinangarap at ipinaglaban ng mga manggagawa sa mga nakalipas na panahon. Samakatwid, tuloy ang buhay at laban ng mga manggagawa.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG007268

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 disc ; 4 3/4 inches

Keywords

Contract system (Labor)--Philippines; Fast food restaurants--Philippines--Management

Upload Full Text

wf_no

CDTG007268_F.pdf (1985 kB)

This document is currently not available here.

Share

COinS