Kasaysayan ng kaisipang pang-edukasyon ni Geronima T. Pecson: 1904-1976
Date of Publication
2017
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in History
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
History
Thesis Adviser
Lars Raymund C. Ubaldo
Defense Panel Chair
Ma. Florina Y. Orillos-Juan
Defense Panel Member
Jose Victor Z. Torres
Jose Rhommel B. Hernandez
Marlon S. Delupio
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagbuo, paghubog at paghugis ng kaisipang pang-edukasyon ni Geronima T. Pecson mula 1904 hanggang 1976. Gamit ang kanyang mga talumpati, liham, artikulo, aklat, batas at proyektong naisagawa, tinukoy ng mananaliksik ang mga kaisipang pang-edukasyon na kanyang ginamit bilang tugon sa pangangailangang pang-edukasyon ng Pilipinas sa kanyang panahon.
Mababatid sa pag-aaral na ito ang kasaysayan ng kaisipang pang-edukasyon ni Pecson na isang Pilipinong palaisip, na nagawang makiayon sa mga kaisipang pang-edukasyon na pumasok sa Pilipinas sa kanyang panahon. Ang kanyang pagsabay sa mga kaisipang ito ay naging daan upang makabuo siya ng kaisipan na naka-ayon sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas at sa paraan ng pagkatuto ng mga Pilipino. Makikita ang mga ito sa kanyang naging buhay bilang isang tagapagtaguyod ng edukasyon at bilang isang senador. Sumakatuwid, ang kanyang mga kaisipan, hinubog man ito ng mga kaisipang panlabas, ay naging daan upang tumugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG007267
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 disc ; 4 3/4 inches
Keywords
Education--Philippines; Teaching--Philippines; Instructional systems--Philippines; Educators--Philippines
Upload Full Text
wf_no
Recommended Citation
Bardollas, B. Q. (2017). Kasaysayan ng kaisipang pang-edukasyon ni Geronima T. Pecson: 1904-1976. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5601