Himno at ritmo ng Nasyonalismo: Dalumat ng Musika sa Kurikulum ng Miriam College Middle School
Date of Publication
2015
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Abstract/Summary
Ang pilosopiya ng Edukasyong Pang-Musika ayon sa bagong kurikulum ng K-12 ay dapat tungo sa kurikulum na spiral, multi-kultural, at integratibo. Sa pag-aaral na ito, hinimay ang ibat ibang pamamaraan, pati na rin mga estratehiya sa pagkatuto at materyal panturo ng Musika sa Gitnang Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam. Sinuri rin sa pag-aaral na ito ang mga paksang may lapit sa pagpapayabong ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan batay sa idinidikta ng kurikulum ng K-12 sa asignaturang Musika. Napag-alaman ang tangkang pagkintal ng konsepto ng nasyonalismo sa mga piling aralin alinsunod sa minimum learning competency ng Department of Education na may tunguhin sa pagpapaunlad ng masining na pamamahayag at kultural na pagkatuto. Sa pangkalahatan, nakita ang dalumat sa pagsasama ng konsepto ng nasyonalismo sa konteksto ng asignaturang Musika ng Gitnang Paaralan.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Electronic
Accession Number
CDTG005971
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer optical disc ; 4 3/4 in.
Recommended Citation
Labrador, J. (2015). Himno at ritmo ng Nasyonalismo: Dalumat ng Musika sa Kurikulum ng Miriam College Middle School. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/4840