Lola na ang lolah mo: Ang pagtatanghal ng kabaklaan sa panahon ng katandaan

Date of Publication

2015

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Abstract/Summary

Sa bansang Pilipinas na mayroong machong kultura at/o kulturang patriyarkal, isang usapin ang pagiging bakla o ang pagsalungat sa pagiging bayolohikal na lalaki. Sa mahabang panahon, dumadaan sa masalimuot na pamumuhay ang sinuman na nagtatanghal ng kabaklaan bilang kasarian. Diskriminasyon mula sa pamilya, lipunan at iba pang maaaring kabilangan nila bilang tao ang kinaharap ng mga bakla. Sa pag-aaral na ito, hindi basta bakla ang bibigyang pag-aaral. Nakatuon ito sa buhay at pagtatanghal ng mga matatanda sa kabaklaan. Marami ang hinaharap na pagbabago ng isang taong tumatanda. Kung gayon, sisipatin ng pag-aaral na ito ang mga pagbabagong kinahaharap ng mga matatandang bakla.

Bilang isang pag-aaral na may tuon sa pagtatanghal ng mga matatanda sa kabaklaan, kumalap ng mga kwentong buhay ang mananaliksik upang malaman kung ano nga ba ang kanilang kinahaharap. Nakuha ang mga sabjek ng pag-aaral na ito mula sa Home for the Golden Gays Inc. (HGGI), isang organisasyong minsang kumupkop sa mga matatandang bakla. Sa kasawiang palad, kasabay ng pagpanaw ng bumuo ng HGGI na si Justo Justo ay napalayas din sa itinuring na tahanan ang mga matatandang bakla. Wala man tahanan, patuloy pa din ang HGGI sa pagtingin sa kapakanan ng mga matatandang bakla. Ang mga sabjek na mula sa HGGI ay ilan lamang sa mga matatandang bakla sa bansa ngunit ang kanilang mga kwento ay maaaring kumatawan sa buhay ng iba pang mga lola na lolah.

Bilang batayan, gagamitin ang teoryang Gender Performativity ni Judith Butler sa pagsipat sa mga nakalap na kwentong buhay. Bibigyang pag-aaral kung paanong ang kanilang katandaan ay nakaapekto sa kanilang selebrasyon at pamumuhay bilang bakla. Ilalahad sa pag-aaral na ito kung madali ba o mahirap maging matandang bakla sa lipunang Pilipino.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Accession Number

CDTG005947

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer optical disc ; 4 3/4 in.

This document is currently not available here.

Share

COinS