Semiotikong pagsusuri sa mga diskurso at ideolohiya sa horror films na nilikha ng industriyang pilipino noong taong 2012
Date of Publication
2014
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Petronilo A. Feorillo, III
Abstract/Summary
Kadalasan na itinuturing ang pelikula bilang salamin ng isang lipunan. Ang bawat eksena, dayalogo at mismong kuwento nitoy tinutunghayan na ekstensyon kung hindi man ay representasyon ng kultura at lipunan. Kinapapalooban ang pag-aaral na ito nang pagsusuri sa paraang semyolohikal sa genre ng katatakutan sa pelikulang Pilipino. Sinuri ang siyam na pelikulang katatakutan na nilikha ng industriyang Pilipino noong taong 2012 gamit ang mga sumusunod na tema at diskurso pananampalataya, karahasan/krimen, uri sa lipunan, konrtadiksyon sa kasarian, tambalang rural at urban, larawan ng awtoridad, pamilya at paniniwala. Nakaangkla sa mitolohiya ni Barthes, nakita na nagiging daan ang mga pelikulang katatakutan upang mailantad ang mga diskurso at ideolohiyang nakapaloob dito. Nagsisilbing realidad ang katatakutan na nagkukubli sa pantasya at katatakutan. Sa nasabing pagkukubli, nagiging pulitikal ang pagbasa sa mga tema at diskurso kung kayat mas lalo lamang nitong pinatitingkad ang pagtingin na ang mga pelikulang katatakutan ay hindi maihihiwalay sa mga nangyayari sa kapaligiran at sa lipunan.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Electronic
Accession Number
CDTG005631
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer optical disc ; 4 3/4 in.
Recommended Citation
Fabre, N. (2014). Semiotikong pagsusuri sa mga diskurso at ideolohiya sa horror films na nilikha ng industriyang pilipino noong taong 2012. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/4644