Date of Publication

3-2014

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master sa Sining sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

South and Southeast Asian Languages and Societies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Chair

Feorillo Petronillo A. Demetrio, III

Defense Panel Member

Dexter Cayanes
Rowell Madula

Abstract/Summary

Ginamit sa pag-aaral na ito ang mga imahe sa segment ng Eat Bulaga na Juan for All, All for Juan mula sa 52 na Sabadong episode sa taong 2013: ang title card, tindahan, kwento ng mga nanalo, pagkain, si Bossing at sina Jose, Wally at Paolo, bayanihan line at plastik na bote. Ang mga imaheng napili na ginawang tuntungan ng mananaliksik sa pagsusuri ay hinati sa dalawang bahagi: ang estratehiya ng Eat Bulaga bilang tagapagbigay-biyaya sa bayan (Juan for All) at ang Barangay bilang bayan na tumutulong sa adhikain ng Eat Bulaga (All for Juan).

Sa huli, sa pamamagitan ng teoryang Semiotika ni Roland Barthes, sinuri ang bawat imaheng kinuha sa palabas upang masipat ang konsepto ng bayanihan of „d pipol na itinataguyod ng palabas. Ipinakita sa pagsusuri na ang paglalapat ng bayanihan sa Juan for All, All for Juan ay nagsilbing estratehiya ng palabas upang maikubli ang mga kontradiksyong maikakabit dito – ang walang patid na komersyalismo at kapitalismo ng mga naghaharing-uri sa bansa.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG005591

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

leaves ; 4 3/4 in.

Keywords

Semiotics—Philippines; Eat Bulaga (Television program); Television—Semiotics—Philippines

Upload Full Text

wf_yes

Share

COinS