Date of Publication

8-2013

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Fine Arts in Creative Writing

Subject Categories

Arts and Humanities | Fiction

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature

Thesis Adviser

Jose Victor Torres

Defense Panel Chair

Ronald Baytan

Defense Panel Member

Rodolfo Vera
John Iremil Teodoro
Julio Teehankee

Abstract/Summary

Pawang pansarili at makasarili ang nilalaman ng malikhaing proyektong ito, ang (Id)entity crises: Tatlong Dula ng Pagpili, isang koleksyon ng tatlong dulang may isang yugto. Pansarili- sapagkat personal at malalim ang mga pinaghuhugutang inspirasyon sa pagsilang ng mga tauhan at ng kanilang mga kwento sa mga dula. Makasarili- hindi dahil sa kasakiman o karamutan kundi dahil sa pagsaalang-alang sa sariling kapakanan at kaligayahan. Ang mga dula ay pumapaksa sa samut saring personal na crisis o conflict ng mga tauhan laban sa mga ipinapataw na identidad ng ibang tao at ng lipunang kinapapalooban. Ang unang dula ay Ang Unang Regla ni John, na sumusubaybay sa nagbibinatang si John na takot sa buhok. Sa huli, bunsod ng pagbabago sa katawan, pipilin niya na tanggalin ang bagay na kinakatakutan niya. Ang ikalawang dula ay Santa Por Santa, na tungkol sa buhay ni Santa, isang panatikong deboto sa isang poon. Nabasag ang kanyang mundo nang tanggalin sa kanya ang pagka-Hermana Mayor pati na ang pagbibihis sa poon. Dahil dito binago niya ang pisikal na itsura tulad ng pagpapakulot at pagpapablonde ng buhok at pagpapaputi ng balat. Ilang araw bago ang pista, nawala si Santa kasama ang mga alahas at milagrosang mata ng poon. Sa araw ng pista makikita si Santa na nakatayo sa karosa para iprusisyon. At ang huling dula ang Ambong Abo ay ang kwento ni Ambo, isang dating magsasaka ng kopra sa Bicol. Pinetisyon si Ambo ni Dolly, na isang nurse sa New York na ayaw ng balikan ang Pilipinas. Ako ang anak ni Daragang Magayon, si Handyong ang aking ama ang laging banggit ni Ambo sa kanyang mga anak. Sa mga huling salita ni Ambo, malalantad ang karugtong ng mitong Bikolano.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Accession Number

CDTG005465

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 v. (various foliations) ; 4 3/4 in.

Upload Full Text

wf_yes

Share

COinS